Father's Downfall
Chapter: 11
"Panu yan kapag nagising si Sam? Pa'no kapag nagsalita siya?" Halos nag aalala si Peter
"Hey cool ka lang! Edi tuluyan natin sa Hospita!" Natatawang sabat ni Aim
Halos hatakin siya ni Ely
"Hey, hey!" Halos magtaas nang mga kamay si Aim
"Easy lang kayo!" Segunda ni Archie
"Hindi ko pa nga natitikman si Sam, papatayin muna agad? Nanloloko ka ba?" Seryosong sabi ni Ely.
Napalunok naman si Aim.
"Nagbibiro lang ako Ely, promise." Bulong niya sabay taas talaga ng kamay.
"Tama na yan!" Sabat ni Rain.
Lumingon si Ely at tumingin dito
"At ikaw? Anung ginawa mo hindi ka lang man pumunta sa loob para tulungan kami, edi sana nakuha ko si Sam!"
"Bantay ako sa labas, nakita mo naman na may mga pulis na dumating." Sagot nito at tumalikod.
"Uy, bitawan mo na ako Ely."
Binitawan na niya si Aim, ngayon lang talaga na medyo hindi naging maganda ang lakad nila. Hindi niya kasi akalain na marunong lumaban si Sam at maging ang ina nito, pero napangiti din siya dahil sigurado na masakit yun sa damdamin ngayon ni PJ.
~
"Aaggghhh!!!"
"Sam!" Napabangon ako mula sa sofa at mabilis na nilapitan ang anak ko
"Sam!"
"Aagggghhh! Mommy, daddy!" Sigaw nito
"Sam, andidito ako." Sabay yakap sa kanya, pero lumalayo siya sa akin, tila tinutulak niya ako.
"Sam, si Daddy mo to!"
Halos mapatitig si Sam sa kaharap nag-unahan ang luha niya sa pagpatak.
"Dad, daddy..." Bulong nito at halos yakapin ang ama na parang ayaw nang humiwalay.
"Daddy!" Sabay iyak nito.
"Sam, sshhhh. Please huwag ka nang umiyak, andidito na ako." Bulong ko sa kanya.
"Daddy, si Jove at si Mommy. Asan si mommy nasaan sila?"
Bigla tumulo ang luha ko, paano ko ba sasabihin sa kanya na wala na ang kanyang Mommy at critical naman si Jove sa ngayon.
"Daddy?" Humiwalay si Sam kay PJ at tumitig sa kanya, pansin niyang may luha ang mga mata ng ama.
"Dad?" Umagos na din ang luha ni Sam dahil nahulaan na niya ang pag-iyak nang ama.
"Wala na si mommy mo, patay na siya." Naiiyak kong sabi kay Sam.
Hindi makapagsalita si Sam, pinipilit niyang ibuka ang bibig para bumigkas ngunit hindi niya magawa magsalita.
Napahagulgol na lamang siya nang iyak.
~
Naka-wheelchair siya nang makita ito sa Morgue, bukas ay mapipilitan na daw ito i-burol.
Pero hanggang tatlong araw lang, at ililibing na din ito.
Pagkalapit niya sa nakahiga ay pinilit niyang tumayo, halos nangangatal pa ang kanyang kamay habang binubuksan ang kumot,
"Mommy." Sambit niya nang makita na ang mukha nito, halos hindi niya napigilan ang paglandas ng luha.
Oo hindi naging maganda ang una nilang pagkaka-kilala, dahil nga sa kagustuhan nito gumanti sa kanyang ama. Pero ang dami nilang naging masayang memories, at kasama na roon ay ang pagdating ni Jove sa kanilang pamilya. Ang mommy at daddy niya ang nagtatanggol sa kanya, at si mommy niya ang mas lalung naapektuhan noon sa nangyari sa kanila.
Tumalikod na muna ako, hindi ko kasi mapipigilan muli ang luha ko. Nasasaktan lang ako, halos isang araw na ang lumilipas at natapos din ang imbestiga nang mga pulis pero wala pa ako nakakausap.
"Mommy, bakit? " tanong niya at halos yakapin ang ina, pumatak muli ang luha niya tila sobrang sakit nun sa kanyang dibdib.
"Mommy bangon ka na please, bumangon ka diyan. Nasaan na ang matapang na si Mikaela , nasaan na yung babae na bumawi sa akin. Mommy bangon na please."
"Please!" Sigaw niya at halos hindi talaga matanggap na wala na ito.
Lumapit ako kay Sam at niyakao siya, alam ko na masakit din sa kanya ito pero sa ngayon kailangan talaga namin magpaka-tatag.
"Mommy." Halos mapaupo si Sam
Naging maagap ako at hindi kumalas, kailangan namin maging matapang sa mga nangyayaring ito lalu sa ngayon na nasa panganib pa si Jove.
~
"Bunso." Bulong ni Sam, nakatayo siya sa gilid ng kama at pinagmamasdan ito, hindi lang man niya naipagtanggol ang kapatid.
"Naging maayos naman ang operasyon niya, maghihintay na lamang tayo kung kailan siya gigising."
Lumingon si Sam sa ama, pansin niya ang kalungkutan nito sa mga mata.
"Daddy? Anung gagawin natin?"
"Inaayos na ni Tita Raquel mo ang lahat, nakuhaan lahat ng cctv ang mga eksena kaya may ibedensya, isa pa. May nakita ako na name nakasulat sa palad ni Mommy mo."
"Si Ely ang gumawa lahat dad, gusto niya ako makuha." Sagot niya at yumakap muli sa ama.
"Nakilala ko siya sa boses at sinabi niya na kayang bilhin ang buhay ko " dagdag niya
"Magbabayad siya, sinisiguro ko yun." Bulong ko kay Sam at hinaplos ang kanyang buhok.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
Father's Downfall (COMPLETED STORY)
Fiksi UmumFather' s Downfall Prologue: Naging masaya at makulay ang buhay ni Pj lalu nang makasal at magka anak muli sila ni Mika. Ang kumpleto at masayang pamilya ay biglang mapapalitan na lungkot at sakit sa puso at damdamin niya. Paano nga ba niya malalag...