Imagine, ka-age mo lang ang magiging boyfriend ng Mama mo?
Parang nag-ampon lang e, 'no?
Gosh, imagine palang 'yon parang hindi ko na kaya.
I hate him! Ayaw na nga niyang layuan ang Mama ko, nag-transfer pa siya sa school na pinapasukan ko. At ang bwisit na 'yon, ayaw pa akong tigilan sa kaka-prinsesa niya sa 'kin!
Siguro nga sobrang malas ko na talaga kasi para siyang isang panget na kabute na bigla nalang sumulpot para sindakin ako.
Para siyang isang panget na tattoo na sa kasamaang palad ay bigla nalang tumatak sa isipan ko.
At para siyang isang palaso na pilit kong iniiwasan pero tinamaan parin ako.
YOU ARE READING
Hi, Prinsesa
Teen FictionPara siyang isang palaso na pilit kong iniwasan pero tinamaan parin ako.