"Ma, nasaan ka?" tanong ko agad kay Mama nang sagutin niya ang tawag ko.
I actually know where exactly she is right now pero baka sabihin niya na sinundan ko siya kaya kailangan ko pa siyang tanungin. Matatalim pa nga ang mga tingin ko sa kanila ng kasama niya.
"Maria Cafe. Pero 'wag mo akong pupuntahan dito, unless, you want me to get rid of those pictures of your beloved Daniel Padilla in your room."
Napangiwi ako.
First of all, it's Kang Daniel. Second, I know she can't do that.
"Gosh, Ma, I never said na may balak akong puntahan ka riyan."
"Knowing you, anak, marami kang naiisip na kalo—"
"Luh, Ma, kalokohan agad? I just wanna know what you're doing—"
Wow. Putulan ba 'to?
"Date."
"At sinong kasama mong panget?" dugtong ko sa naputol kong sinasabi kanina.
At teka nga, ano raw? D-Date? DATE?!
Narinig ko naman 'yong buntong-hininga niya. Here comes her line. Sinabayan ko pa.
"Anak, don't you want your Mom to be happy?"
I rolled my eyes. 'Yan talaga lagi line niya kapag kinukontra ko siya, e.
Si Mama at si ate Marj na pinsan ko lang ang kasama ko sa bahay. Never kong na-meet ang Papa—no, that's not the term. 'Yong nakabuntis kay Mama, I mean.
I want her to be happy, of course. Pero utang na loob, sa matino namang lalaki at sa kaedaran naman sana niya.
Sa nakikita ko kasi ngayon, highschool student ang kasama ni Mama ngayon. Yuck, parang patay gutom pa kung kumain, my gosh! Ang chaka, Ma, ha.
Nasa tapat lang ako kaya bigla akong napatago sa likod ng puno nang bigla silang lumabas ng cafe.
Kitang-kita ko na 'yong guy pero naka-side view kaya medyo hindi pa malinaw kung sino. Base sa suot niyang uniform, sa Sandro College siya nag-aaral. Medyo malapit lang sa Crisologo University kung saan ako nag-aaral.
Teka...
"Thanks, Nate, ha?" rinig kong sabi ni Mama.
My eyes widened in disbelief.
Nate? As in Nathaniel Raven?! For real?! No way! Kapitbahay namin 'yon, e!
Kulang nalang bumagsak 'yong kumag na Nathaniel na 'yon sa sobrang sama ng tingin ko sa kanya.
Ang daming lalaki sa mundo pero bumagsak parin siya sa mas malapit sa bahay namin? Whoa, I can't believe this, Ma! Nakakatamad bang maghanap ng iba?
Gosh, sumasakit 'yong ulo ko!
Tiningnan ko mula ulo hanggang paa 'yong kapitbahay namin.
Matangkad naman siya. Patenga niya siguro ako kasi medyo matangkad din naman ako. Medyo payat din siya pero bagay naman sa kanya. May hitsura rin kasi tao naman siya, siyempre. Medyo singkit ang mga mata pero at least nakakakita pa naman.
Ang hindi ko lang matanggap ay 'yong kutis niyang tinalo pa 'yong sa 'min ni Mama sa sobrang puti. Naarawan ba talaga siya?
At 'yong bleached hair niyang hindi naman talaga bagay sa kanya. Tss, feeling kpop, guys.
Bata palang ako, bahay na nila 'yong katabi ng amin pero minsan ko lang siyang makita kasi lagi siyang nasa gala with his friends na katulad niyang mga rich kid din. Wala rin kasi ang parents niya lagi sa bahay nila kaya umaabuso at ang katulong nilang si lola Pearl lang ang nando'n. Siyempre kilala ko 'yong katulong nila kasi medyo close kami no'n dahil sa mga pretty flowers nilang kapangalan ko.

YOU ARE READING
Hi, Prinsesa
Подростковая литератураPara siyang isang palaso na pilit kong iniwasan pero tinamaan parin ako.