Chapter 3

34 2 0
                                    

Bakit nga ba hindi ko naamoy 'yong pabango niya na mula China hanggang dito sa PH?

I knew it. Hindi siya nagpabango today para mahimatay ako sa gulat kapag nakita ko siya. Well, he didn't succeeded in doing that. I feel sorry for him. Hindi naman ako nagulat.

"Ay, siya ba 'yon?"

"Yeah, siya 'yong sumigaw kanina."

Nanlaki 'yong mga mata ko nang marinig na nagbubulungan 'yong dalawang babaeng malapit sa 'kin kaya agad akong napatakip ng mukha gamit ang notebook na dala ko.

Narinig kong natawa nang mahina 'yong katabi ko kaya siniko ko siya.

"What?" patay malisya niyang tanong.

"Tigilan mo nga 'yan."

"You're really funny."

"Hampasin kita netong bag ko, e."

"Sa liit ng bag mo, baka kapag hinampas mo 'yan sa 'kin, 'di ko maramdaman."

Ang yabang, ah. Baka umiyak pa siya kapag ginawa ko 'yon.

Bigla akong napasulyap sa isang pisngi niya. Ngayon ko lang napansin na may maliit na scratch siya ro'n at saka halatang namamaga. Nakipagsuntukan ba sila kagabi? Psh. Basagulero. Gusto ko sanang itanong pero naalala ko, wala pala akong pake.

Napairap nalang ako saka napaub-ob nalang sa mesa habang tinatakpan ko parin 'yong mukha ko ng notebook. Nakatingin 'yong iba sa 'kin, e.

Hays, bakit ba gano'n ako maka-react kanina?

"Hi, Prinsesa."

"ANONG GINAGAWA MO RITO? PINAGPLANUHAN NIYO 'TO NI MAMA, 'NO?"

At natauhan nalang ako nang mapansing sa 'kin na pala sila lahat nakatingin.

Napapikit ako ng mariin nang maalala 'yon. That was so embarassing. My God, Dahlia!

"Our intramurals is on... "

Pagkatapos sabihin ng president 'yon ay wala na akong ibang marinig kung 'di, "blah, blah, blah... "

Hindi naman kasi ako interesado. Gusto ko nalang mawala na parang bula sa kinauupuan ko. Nakakahiya talaga. Isipin pa ng ibang girls na gandang-ganda ako sa sarili ko. Kanina nga lang ay ang sasama na ng mga tingin ng ibang girls nang makitang mag-volunteer 'tong Nathaniel na 'to, e. Paano ba naman? E, may pag ka-famous na 'tong kumag na Nathaniel na 'to dati pa kahit no'ng sa Sandro pa siya nag-aaral. Hays, magkakaroon na ako ng mga fans.

"Hey, are you even listening?"

Inirapan ko lang siya.

"'Wag mo akong kausapin, Nathaniel," pagsusungit ko.

Natawa naman siya. "Nathaniel? I'm okay with Nate, prinsesa."

So hindi siya sanay sa Nathaniel? Tss. Gusto ko siyang inisin kaya bakit ba?

"'Wag mo sabi akong kausapin, Nathaniel."

Tiningnan niya lang ako saka ako nag-bleh sa kanya.

Bigla kong naalala 'yong sinabi ni Carol na tinext niya raw si kuya Aries para mag-volunteer at gusto ko nalang mapa-face palm sa kahihiyan. Paano nalang kapag nagkasalubong kami ni kuya Aries? Nakakahiya talaga!

'To namang katabi ko, may pa-volunteer-volunteer pang nalalaman, parang tanga.

Tinanggal ko na 'yong suot kong ID nang makalabas kami sa room na 'yon.

Hi, PrinsesaWhere stories live. Discover now