Chapter 11

20 0 0
                                    

"What did you say, Prinsesa?" tanong niya. "You like me?"

No way!

Sumenyas ako kay Leejee na magsalita siya pero ang gagang 'yon iniwan ako sa ere! Gosh! The nerve of that bruha! Siya 'tong dahilan kung ba't ko 'yon sinabi tapos wala siyang masabi ngayon?

Gosh, napakaduwag talaga niya!

Bumaling ako kay Nathaniel.

"H-Hey, it's not what you think, Nathaniel," sabi ko pero ang panget na 'yon, ngumiti lang tapos hinila siya nila Arvin na parang mga tangang nagsisigawan.

"UUUYYY... " pang-aasar nila sa 'kin. Ni hindi ko nga mga kilala 'yong iba niyang kasamang mga boys pero nakikiasar sila. Ews, feeling close.

"Dapat ni-record ko!" sabi ni Arvin sak sila tawanan ng mga kasama niya.

"Hoy, excuse me, hindi niyo kasi narinig 'yong buong usapan namin—" explain ko pero napakawalang modo talaga ni Arvin para sumabat.

"AYIII, GUSTO NIYA SI NATE! SABI KO NA NGA BA, E, NAGKAKAINLABAN NA 'TONG MGA 'TO, E!" tapos nag-apiran sila ng mga kasama niya at pinagkaguluhan nila si Nathaniel nang makalapit ito sa kanila.

Naasar talaga ako.

"SIGE, KWEK-KWEK, ISIGAW MO PA!" pabalik na sigaw ko saka siya hinabol.

Pero napahinto nalang ako nang bigla nilang itulak sa 'kin si Nathaniel at muntik niya pa akong mayakap.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Nakita mo 'yon, ha, itinulak nila ako," he explained. Napalayo nalang ako saka napairap.

Ibinato ko naman sa mga boys 'yong bag ko. Swerte lang no'ng isang guy dahil nasalo niya at hindi siya nasapol sa mukha. Nagpipigil siya ng tawa na lumapit sa 'kin para ibigay 'yong bag ko.

"Pagpasensyahan mo nalang ang mga 'yan," sabi niya.

Ang cute.

Sino nga pala 'to?

Dati ko pa siyang napapansin tuwing may event dito sa school, e. Ang galing kasi niyang sumayaw.

Napatingin ako sa mga boys na kasama ni Arvin. Kaya pala familiar 'tong mga mokong, mga dancer pala. Tapos kasama nila si Nathaniel?

Whoa, so totoo ngang marunong sumayaw 'tong panget na 'to? At totoo ngang may practice sila ngayon?

Napataas lang 'yong kilay ko habang nakatingin kay Nathaniel, mula ulo hanggang paa. Matatawa ata ako ng sarkastiko kapag nalaman kong marunong din siyang kumanta.

"Nga pala, 'wag mo nalang palang panuorin practice namin," biglang sabi ni Nathaniel kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Anong akala mo, fan mo ako para manood ako sa practice niyong hindi naman talaga kanood-nood?!"

Ngumiti lang siya.

"Basta panuorin mo kami sa lunes. Promise, hindi ka mabo-bore."

"Kahit hindi na, boi. Thank you nalang," sabi ko saka napairap.

"Ang sungit."

Bigla kong naalala 'yong phone ko.

"Akin na 'yong phone ko," mataray kong sabi.

"Ah, oo nga pala." Tapos kinuha niya sa bulsa niya saka binigay sa 'kin. "Sorry na kasi."

Inirapan ko lang siya't saka umalis. Anong akala niya, makukuha niya ako sa sorry niya? Seryoso na ako, ha. Nakakaasar na siya.

Natauhan lang ako nang mag-ring 'yong phone ko. Hay nako, si Mama lang pala. Pumunta muna ako sa may hagdan pa-second floor bago sagutin 'yon.

"O, Ma? Bakit po?"

Hi, PrinsesaWhere stories live. Discover now