"O, Nate, kumain ka na ba? Come inside, sabay ka na sa 'min ni Dahlia."
Awtomatikong napatigil ako nang marinig 'yon mula sa labas.
Napasilip ako sa bintana ko at tama nga ang hinila ko! Nandito nanaman 'tong feeling k-pop na mukhang pulubi.
"Ah, I just wanna return her phone," sabi niya saka napakamot sa batok niya. "Hiniram ko po kahapon, nawala po kasi 'yong phone ko."
Hiniram? Wow, grabe, sobrang fresh pa sa alaala ko na in-snatch niya 'yon, duh. At saka, nawala raw ang phone niya? Gosh, napakasinungaling!
If I know, palusot niya lang 'yong phone ko para lumandi at makikain. My gosh, ang kapal ng mukha.
Napasimangot nalang ako habang iniisip 'yong phone ko. Miss na miss ko na si KD. Kumusta na kaya? May bagong song na kaya siya? Hindi parin ako makaget-over sa Something, e. Ang pogi kaya ng boses niya ro'n.
Bumaba ako habang dala-dala ang shoulder bag ko.
Grabe, feeling ko mamalasin ako ngayong araw dahil nakita ko 'yong pagmumukha niya.
Nakaporma pa ang panget, may lakad ata.
Napatingin ako sa cell phone na hawak niya.
Pinigilan ko 'yong sarili kong agawin sa kanya 'yong phone ko. Ang taas ng pride ko, e, at saka ayoko siyang pansinin. Ayoko talaga. Fresh na fresh parin sa 'kin 'yong nangyari kahapon.
Nakakahiya kaya. Ang dami pang napatingin sa 'kin. Ang epic kaya ng pagkakatulak sa 'kin at ang epic ng naging hitsura ko. Feeling ko nga sisipunin ako, walang'ya.
I hate him.
I really hate him!
"Oy, sorry na," agad na sabi niya nang makita ako pero siyempre hindi ko siya pinansin.
"Ma, punta lang akong school, ha," paalam ko.
Muntik ko nang makalimutan 'yong babayaran para sa acquaintance party. Nakakahiya, ako nalang pala 'di nagbabayad sa buong section namin kaya heto, kailangan ko pang pumunta sa school kahit sabado para ro'n.
Malay ko bang ang bilis pala ng panahon. At saka kaasar si Carol, 'di manlang ako in-inform no'ng nagbayad siya. Napakabruha talaga.
Bubuksan ko na sana 'yong pinto nang magsalita si Mama.
"Kumain muna kayo ni Nate—"
"What?! Excuse me, Ma, hindi ko siya kasamang pumunta sa school," angal ko agad.
Napataas naman ang isang kilay ni Mama.
"Sinabi ko bang gano'n? Ang sabi ko lang, kumain kayo."
Napatigil ako at napakurap-kurap.
Oo nga naman, 'no? Bakit ko nga ba sinabi 'yon?
I glared at Nate when I heard him chuckled, natahimik naman agad siya.
"Wala po akong ganang kumain," sagot ko nalang saka umalis sa harap nila.
"Pagpasensyahan mo na 'yang anak ko, napakamaldita," rinig kong sabi ni Mama.
YOU ARE READING
Hi, Prinsesa
Teen FictionPara siyang isang palaso na pilit kong iniwasan pero tinamaan parin ako.