"Oops! Ticket?" tanong ni manong guard sa 'kin saka ako hinarangan sa gate. Napairap naman ako saka kinuha 'yong ticket sa purse ko.
Kung ang Papa lang ni Carol ang nandito, baka kanina pa ako nakalusot, hehe, panlaban ko lang naman si Carol. Nasaan kaya ang Papa niya?
Inayos ko muna 'yong hair ko kahit na maayos naman na bago magpatuloy. Nakaka-flatter naman, pinagtitinginan ako ng mga boys na nadadaanan ko. Ngayon palang ba sila nakakita ng anghel sa ganda?
Dark blue fitted dress sana ang susuotin ko pero sobrang kulit ni Mama. Umandar nanaman 'yong pagka-fashionista niya at sinabing alam niya raw na ang baduy ko kaya binilhan niya ako kahapon ng one-shoulder black dress. Pilit niya talagang pinasuot sa 'kin at siyempre dahil nakulitan ako, ayon, tinry ko at ang bongga pala ng hitsura ko dahil do'n kaya I love you na talaga, Ma.
Pagkarating ko sa quadrangle, super dami na ng tao! Sinalubong agad ako nina Vil nang makita nila ako. Hinanap ng mga mata ko si Carol. Ba't wala pa siya?
"OMGGG, DAHLIA! ANG GAAAANDAAA!" sabay na tili nina Vil at Cent. Nginitian ko lang sila saka tiningnan 'yong phone ko. May 2 missed calls pala ako mula kay Carol! Napapikit ako nang mariin. Paano kung importante 'yon? Bwisit naman kasi, e, naka-silent 'tong phone ko kanina kasi nagmadali akong makaalis ng bahay. Ayoko lang na makasabay ko si Nathaniel. Ang awkward kaya no'ng sinabi niya kagabi. Parang tanga.
Naka-maroon off shoulder short satin dress si Vil at naka-sparkly halter neck dress naman si Cent. 'Yong dress ni Cent parang nangingibabaw. Grabe, kapag siguro mapa-picture 'yong section namin, parang nasa kanya 'yong spotlight. Ang liwanag niyang tingnan.
"HALA, WHAT HAPPENED TO YOUR HAIR?" OA na tanong ni Cent saka hinawak-hawakan pa 'yong dulo ng buhok ko kung totoo ba talagang maikli na talaga 'yon.
"Not bad," komento ni Vil na napapatango-tango pa.
Not bad? 'Yon lang say niya? May nagsabi kaya sa 'king bagay sa 'kin at saka ang ganda ko raw. Bleh.
"Hoy, ang ganda kaya!" depensa ni Cent. "Para kang anghel na pinutulan ng pakpak—"
"At naging si Melecent."
"Bobo, Maleficent 'yon! Sinasali pa pangalan ko."
"Tanga, hindi naman siya anghel, e!"
Muntik pang magbatuhan 'yong dalawa kaya pumagitna na agad ako para mapigilan 'yon. Masisira ang poise natin, mga bes.
Pumunta na kami sa table ng section namin at si Carol nalang talaga 'yong wala. Nakakainis, bakit wala pa siya? Mag-i-eight na, ah.
Nag-picture-picture na sila tapos sinasali nila ako pero ang plastik ng ngiti ko. Huhu, Carol.
Napapatingin-tingin pa ako sa may entrance, baka lang naman bigla siyang dumating. Isasara na 'yong gate kapag nag-alas-otso na.
"Hi, Dahlia, my friend!" nakangiting bati sa 'kin ni Arvin saka umupo sa tabi ko. "Ay, ikaw nga ba 'yan? Baka namamalikmata lang ako, ha? Ang ganda naman ng hair mo!"
Inirapan ko siya saka napabalik ulit sa pagtingin sa may entrance.
"Ang sungit! Sino bang hinihin... " napatigil siya sandali. "ALAM KO NA!"
YOU ARE READING
Hi, Prinsesa
Подростковая литератураPara siyang isang palaso na pilit kong iniwasan pero tinamaan parin ako.