Chapter 15

26 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bingi na ba ako dahil sa malalakas na sigawan ng halos lahat ng estudyante na nandito, o sadyang tumigil lang ang mundo kasabay ng mga ingay ng buong paligid dahil sa pagsayaw niya.

Alam kong ang corny pero nakaka-touch kaya. Kaya pala gusto niya akong manood.

Nakakainis naman, ba't ang galing niyang sumayaw? Feeling ko tuloy malapit na akong magsisi dahil sa pagtawag ko sa kanya ng panget dati.

"Oooooo, titig na titig si Dally, o!" asar ni Vil sa 'kin saka nila ako niyugyog-yugyog sa braso ni Cent.

"Tumigil nga kayo, alam niyo namang song 'yan ng baby ko, paanong hindi ako mapapatitig sa kanila? Mamaya sirain nila 'yong kanta, e," palusot ko.

Napatingin kami agad sa baba nang may sabay-sabay na nag "I LOVE YOU, NATE!" grabe, parang mga kiti-kiti na 'yong mga girls do'n. Parang nakalimutan nilang ang se-sexy ng mga suot nila at halos maglupasay na sa semento, my gosh.

"GUYS, ANG POGI NI NATE LALO!"

"HOY, HELP! NALULUNOD NA AKO SA KAPOGIAN NILAAA! BA'T ANG POGI NI ARVIN NGAYON?!"

"HALA, VIL, DAHLIA, TINGNAN NIYO SI JOHANN, ANG HOOOT! AT TEKA, TEKAAA, NAKATINGIN SIYA SA DIREKSIYON NATIN, OMGGG!"

Grabe, sa dalawang 'to palang, bingi na ako. My gosh, ni hindi ko nga kilala 'yong isang tinitilian nilang Johann daw? Johann ba 'yon?

"HOY, PUWEDE, TUMILI LANG KAYO? WALA NAMANG HAMPASAN, GIRLS! ANG GANDA KO TONIGHT TAS GAGANITUHIN NIYO 'KO?!" reklamo ko tapos bigla kaming nagtawanan kahit seryoso ako sa sinabi ko. Ewan ko ba, nakakatawa kasi 'yong mga mukha nila. Pero mas masaya sana kung nandito rin si Carol.

"P*TA, NAKATINGIN TALAGA DITO SI JOHANN, GIRLS!"

"OH MY GOSH, OO NGAAA!"

"JOHANN BABY, CRUSH MO BA AKO?!"

"I LOVE YOU, JOHANN!"

"PESTE, SINO BA KASI 'YANG JOHANN NA 'YAN?! HINDI AKO MAKA-RELATE!" napapairap kong tanong. Kanina pa sila sa Johann na 'yan, e.

Napatigil naman 'yong dalawa at napatingin sa 'kin pareho habang nakakunot ang mga noo nila.

"My gosh, Dahlia, dito ka ba talaga nag-aaral? Ba't hindi mo siya kilala?" manghang tanong ni Vil.

Woah, required bang makilala 'yang Johann na 'yan kapag dito nag-aaral? Sino ba kasi 'yan?

"Alam mo, ateng Dahlia, sa ilang years na pag-aaral mo rito na wala kang kamuwang-muwang, ako na mag-i-inform sa 'yo na 'yang si Johann Mauricio ay ang pinakapoging nilalang dito bago pa man dumating si Nate Raven at sa sobrang charming niya, pati ang mismong school muntik nang ma-inlove sa kanya."

Natawa ako sa sinabi ni Cent. Seryoso na akong nakikinig, e, hinaluan pa ng kalokohan.

"Ayan kasi, naka-focus ka lang lagi dati kay kuya Aries at saka ngayon naman ay nakay Nate Raven na ang heart mo, ayiee!"

Napairap naman ako."Tumigil ka nga, vacant 'yong heart ko ngayon, 'no?"

Nagtawanan lang sila at saka inasar-asar ako, ako naman, pinanood ko nalang sila Nathaniel.

Hi, PrinsesaWhere stories live. Discover now