Chapter 7

19 1 0
                                    

"Sorry, Dahlia, I had to lie. Kinukulit niya kasi sa 'kin si Vena, 'yong SSG-President. I hate it. Wala naman talaga akong gusto ro'n, e. At saka ikaw kasi 'yong unang naisip ko kaya... ayon." Tapos napakamot pa siya sa batok niya.

Ako raw unang naisip niya? Luh, may crush ba 'to sa 'kin? Kilig, kilig! Medyo naging crush ko rin kaya siya no'ng hindi ko pa napapansin si kuya Aries. Ang dami ko kayang crush dito sa school. Hindi ko na mabilang, ang dami kasing boys na thoughtful and caring and cool and super handsome dito kaya hindi ko maiwasang humanga sa kanila. At siyempre pumasa si kuya Alwin do'n.

Kaso... Alam kong si Carol ang true crush niya kaya in-uncrush ko siya dati pa.

Magsasalita na sana ako nang maunahan niya na naman ako.

"Don't worry, Dahlia, I'll tell her later na nagsinungaling lang ako. Ayoko namang sabihing si Caroline ang crush ko, baka ma-badtrip 'yon kasi, you know, 'di ba, security guard lang ang Papa niya at saka walang dapat ikabahala 'yong boyfriend mong kasama mo kani—" and that's where I cut him off.

Wala lang naman sa 'kin kung mapagkamalan niya kaming magjowa ni Nathaniel pero ang banggitin niya ang bestfriend ko ng gano'n? Hindi nakakatuwa. E, ano naman kung security guard ang trabaho ng Papa niya? Krimen ba 'yon? Hindi naman, ah!

"Alam mo, kuya Alwin? Kung alam ko lang sanang ganyan pala kasama 'yang ugali mo, hindi na sana kita tinuring na kaibigan," I said, shooking my head.

Tumayo ako at walang paalam na iniwan siya ro'n.

Ha! Ang yabang! Porke naman ang yaman-yaman nila ganyan na siya magsalita?! Para pa siyang nandidiri nang banggitin niya si Carol!

At bakit ba kami pinagkakamalang kami ng Nathaniel na 'yon?! Mukha bang kami?! Mukha bang panget na feeling k-pop ang type ko?! Ew.

Kaasar naman kasi. Puwede namang mag-sorry lang, 'di ba? Ang dami pang sinabi! Badtrip!

Nagmartsa ako palabas ng gate. Naiinis ako, promise. Muntik ko pang sabihin kay Carol na magbagong buhay na siya at kalimutan na niya si Arvin para lang sa mukhang basurang 'yon!

I sighed.

Ang sama ng ugali niya!

Natigil lang ako sa pag-iisip nang may maamoy na familiar na cologne.

Napalinga-linga ako and boom! I saw him. Ang nagmamay-ari lang naman ng cologne na abot ang amoy hanggang sa dulo ng walang hanggan. Everlasting mga bes at pang porebermor.

Naka-lean siya sa may poste habang nakakrus ang mga braso na parang may hinihintay.

Nakatingin pa siya sa direksiyon ko kaya napalingon-lingon ako, baka may iba siyang tinitingnan, pero wala namang ibang tao. Padilim na kasi at saka mukhang uulan pa.

Medyo natakot tuloy ako sa kanya kaya napayuko ako habang tahimik na naglalakad ng diretso.

Mukha kasi siyang tambay sa gilid ng kalsada na parang hinihintay 'yong barkada niyang may dalang something na hinihithit like oh my gosh, so disgusting, so ew and so gross.

Pero infairness, hindi siya bagay sa mga gano'n kasi ang puti na nga niya, ang bango—OH MY GOSH, CAN YOU HEAR YOURSELF, DAHLIA?! ARE YOU AN IDIOT, OR WHAT?!

Muntik ko nang akalaing estatwa siya ro'n kaya halos mapalundag ako sa gulat nang gumalaw siya no'ng nasa tapat na ako. Napaatras ako ng isang beses dahil sa gulat.

Hinampas ko naman siya sa braso ng sobrang lakas. Muntik na akong atakihin sa puso!

"Do you really want me dead so you could take away my mom from me?!" sigaw ko sa kanya.

Hi, PrinsesaWhere stories live. Discover now