Kahit ano pang bakod ang ilagay ko, wala na talagang pag-asa.
Gosh, I'm crying.
"Tumigil ka nga, Dahlia! Para namang ang sakit-sakit magpagupit! Kurutin kita diyan, e," saway ni Mama, napatigil tuloy ako sa kakaiyak.
Bakit ko iniiyakan? E, kung mayroon man akong tatawaging treasure ko, 'yon ay ang hair ko! Ang haba-haba na no'n at ang ganda-ganda tapos dahil lang sa bubble gum na 'yon, all of a sudden gugupitan? Parang gumuho na ang mundo ko!
Feeling ko talaga 'yong batang binigyan ko ng pera ang may kagagawan nito, e! The nerve of that kid! Hindi ba siya happy sa binigay ko?! Siya lang naman 'yong bumunggo sa 'kin at pagkatapos no'n may bubble gum na agad!
Bigla namang bumukas 'yong pinto.
"GOODMORNINGGG- OMGGG! What happened to your hair, indaaay?! Sandali lang naman akong nawala tapos na-depress ka na agad?" OA na sabi ni ate Marj.
"'Wag mong kausapin 'yan dahil bad mood. Tatanga-tanga kasi," singit ni Mama na nagpipigil ng tawa. Napatingin tuloy ako sa kanya nang masama.
"Bakit ang sama ng tingin mo? Totoo naman 'yong sinabi ko, sino ba namang hindi matatawa sa pagtatago mo ro'n para lang i-spy kami ni Nate? Para kang tanga."
"Bakit, ate? Ano nanaman bang ginawa netong si inday? Chika na daliii!"
Hays. Nakikisabay pa 'tong si ate Marj.
Natawa si Mama saka napatingin sa 'kin.
"Mama naman, e!" asar kong sabi saka nag-walk-out. Pero rinig na rinig ko parin 'yong usapan nila habang nagtatawanan.
"May gusto ata kasi kay Nate 'tong si Dahlia, nahihiya lang aminin. Dalaga na talaga ang anak ko," parang kinikilig pang sabi ni Mama.
Like ew!
Nai-imagine ba niya 'yong sinasabi niya?
"EW, NEVEEER!" sigaw ko habang paakyat sa hagdan.
"AYIII!"
Kaasar talaga!
"DAHLIA, HINDI KA BA SASABAY SA 'KING MAGSIMBA?"
"Mauna nalang po kayo, Ma," sagot ko nalang, badtrip ako, e.
"Inday, magsisimba kami ni Benj, hindi ka ba sasabay?"
Isa pa 'tong si ate Marj. Aasarin niya lang ako, e. Nakakairita talaga siya sa kaka-inday niya, e, ang ganda-ganda na nga ng pangalan ko, e!
"Hindi na po," sagot ko.
Tapos may narinig pa ako kay Mama na: "Baka kay Nate niya lang gustong sumabay." Sabay hagikgikan pa nila ni ate Marj.
Nakakainis. Nakakainis talaga!
Nauna na si ate Marj dahil dumating agad si kuya Benj. At si Mama, natapos nalang akong mag-shower at magbihis pero nandito parin. Ang tagal niyang mag-ayos, grabeee! Akala mo naman ay a-attend ng kasal kung magpaganda.
Napasilip ako sa baba kung palabas na si Mama. Grabe ang tagal talaga manalamin. Daig pa niya ako, jusko, mader.
Maya maya may narinig akong tunog ng motor na nag-stop sa may gate ata namin. Awtomatikong nanlaki 'yong mga mata ko.
YOU ARE READING
Hi, Prinsesa
Teen FictionPara siyang isang palaso na pilit kong iniwasan pero tinamaan parin ako.