"Strawberry, or strawberry?"
Kinuha ko naman agad 'yong isang hawak niyang ice cream.
"Para kang tanga. Ba't ice cream lang?" pabiro kong tanong.
Napakamot siya. "I don't know what you like. Nakalimutan kong tanungin ka."
"Charot lang! 'To naman, kung tinanong mo 'ko, baka sabihin kong pera at house and lot ang gusto ko."
"Bakit, pulubi ka na ba?"
"Hay nako, ewan ko sa 'yo, Nathaniel! May pulubi bang prinsesa?" Tapos napatawa kaming dalawa. "Pero thank you sa ice cream."
Tinext ko si Mama na may pupuntahan pa ako kaya baka gabihin ako ng uwi. Hindi na ako naghintay ng reply dahil baka pagalitan lang ako kaya itinago ko na sa bulsa ng pants ko 'yong phone ko.
Pumuwesto kami ni Nathaniel sa fave spot ko sa park. 7:50pm na kaya madilim na talaga 'yong langit.
"Imagine, akala ko nalunod na 'yong ship ko tapos may something na pala sa kanila?" hindi makapaniwalang sabi ko. Napatingin naman siya sa 'kin.
"Pero bakit parang malungkot ka?"
I sighed.
"Baka iniisip ni Mama na hindi ko magugustuhan kaya hindi niya sinabi sa 'kin," nakasimangot na sabi ko. "Kung sinabi niya lang, baka nga ipakasal ko na agad sila. Si sir kaya nahanap kong perfect guy sa kanya."
"Pero I think she's finding a way para masabi 'yon sa 'yo."
Pareho kaming natahimik pagkatapos niyang sabihin 'yon kaya medyo nailang ako. Ano ba 'yan, ba't wala na akong masabi?
Napasulyap-sulyap ako sa mukha niya. Bakit kaya hindi niya bini-bring up 'yong kahapon? Hindi niya ba gustong mag-sorry ako?
Nakakainis. Mas nagi-guilty tuloy ako.
"Fine. I'm sorry, Nathaniel," pagsuko ko. Halatang nabigla siya sa narinig sa 'kin. Hindi niya siguro inaasahan na mabait pala ako minsan.
"For what?"
"Napaka-harsh ng mga sinabi ko sa 'yo kahapon."
"It's okay."
Napasimangot naman ako sa naging sagot niya. Ba't ang ikli? Para namang may tinatago siyang hinanakit sa 'kin.
Napatingin naman siya sa 'kin nang mapansing natahimik ako.
"Bakit?" takang tanong niya nang makitang nakatingin lang ako sa kanya. "It's really okay kahit mukhang napipilitan ka lang sa pagso-sorry mo."
"Luh, anong napipilitan? Seryoso kaya ako."
"Edi okay." Tapos napaiwas ng tingin.
"Galit ka ba sa 'kin?" tanong ko pa, hindi lang ako komportable kapag alam kung may taong naiinis or galit sa 'kin. Nakaka-bother kaya 'yon.
He chuckled. "Why would I be mad at you? Ba't mo naman naisip 'yon?"
"Sa lahat ba naman ng mga sinabi at pambibintang ko sa 'yo, malay ko bang baka galit ka na sa 'kin. Pero promise, seryoso, nagso-sorry talaga ako."

YOU ARE READING
Hi, Prinsesa
Teen FictionPara siyang isang palaso na pilit kong iniwasan pero tinamaan parin ako.