Chapter 5

30 1 0
                                    

"I already told your Mom that we're dating. Aren't you happy, prinsesa?"

Seriously?

Whoa, ang lakas ng loob ng Nathaniel na 'yon para baliktarin ako.

Pakiramdaman ko pinagtulungan nila ako ni Mama para pagtakpan ang relasyon nila! Sige lang, may araw din kayo sa 'kin.

Pinaningkitan ko silang dalawa ng mga mata habang ilang metro ang layo ko sa kanila. Pinagkrus ko pa ang mga braso ko.

Mga sinungaling!

Kitang-kita ko lang naman sila ngayon habang magkayakap at maya-maya lang ay biglang hinawakan ni Nathaniel 'yong kamay ni Mama tapos may sinasabi pa siya.

If I know, mga cheesy lines 'yan na kasuka-suka.

Napairap ako.

Ilang linggo akong inasar-asar ni Mama at ilang linggo ko na ring dini-deny pero ayaw talagang maniwalang wala kaming relasyon ng panget na feeling k-pop na 'yon! K-pa puwede pa. K-panget! Sinasabi pa ni Mama na okay lang daw kasi kilala niya si Nathaniel kaya botong-boto siya sa panget na 'yon. Bakit, may election ba? Kandidato ba siya? Jusko!

Pero minsan talaga may magandang maidudulot 'yong kasuka-sukang bagay na sinabi ng Nathaniel na 'yon kay Mama na tungkol sa 'min.

Nagmartsa ako papunta sa kanila saka ko hinigit 'yong kamay ni Nathaniel.

"Ma naman, may klase pa ho kami, ba't niyo ba tinawag 'to?" Kunwari may care ako sa panget na 'to. Pero gusto ko lang talaga silang paghiwalayin.

"Asus," asar ni Mama sa 'kin saka kami kinurot pareho sa tagiliran namin. Nahampas ko tuloy 'yong kamay niya. Pasensya na po, ang bad ko. Nakakagulat naman kasi.

"Nagpahatid lang naman ako, 'nak. At saka ang sabi naman niya vacant daw nila ngayon," dugtong pa niya.

Siniko naman ako ni Nathaniel tapos napangiti-ngiti na parang ewan. Ews.

"'To naman, miss mo ako agad?" Napangiwi ako saka sinamaan ko siya ng tingin. Papansin na nga, feelingero pa. "Let's go," sabi pa niya at aba, nang-aakbay pa!

I forced a smile while removing his arm around my shoulder. Kinurot ko pa 'yong braso niya. Natawa lang siya.

Parang gusto ko nalang siyang pugutan ng ulo nang hindi ko na makita 'yong kikindat-kindat niyang mata at nakakabwisit niyang ngisi.

He must be enjoying this.

Sige lang, pakasaya ka, makakaganti rin ako sa 'yong Nathaniel ka!

No'ng makalayo kami kay Mama, agad ko siyang hinampas sa braso.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yong layuan mo ang Mama ko, para maintindihan mo?!"

Napatigil naman siya at saka humarap sa 'kin. Napa-cross arms pa siya na akala mo ay ang cool niyang tingnan.

Hays, ayan na naman 'yang buhok niyang nakakabwisit sa paningin. Naaarawan nanaman. Masunog sana.

Medyo nanliit pa ako nang mapansin 'yong balat niya. Ba't ba ang puti niya? Sana lahat.

"You know what, prinsesa? Galit parin ako sa ginawa mo sa 'kin sa park."

Tinaasan ko naman agad siya ng isang kilay.

"Ah, so hindi ka pa pala nakakamove-on do'n? At ngayon, nagre-revenge ka dahil lang do'n? You transfered to my school, you told my Mom that we're dating, you're pestering me everyday! Lahat ng 'yon ay dahil lang sa ginawa ko sa 'yo sa park? Ang OA, ha." Inirapan ko pa siya.

Hi, PrinsesaWhere stories live. Discover now