Hapon na nang magising ako. Grabe naman, ang dami ko ng tulog sa buhay.
Binuksan ko 'yong bintana ko and as usual nando'n siya sa balcony ng kwarto niya. The only difference is that, saktong pagbukas ko, nakatingin na siya sa direksyon ko.
At heto. Heto na naman 'tong puso ko. Nagtatanong na naman kung hinihintay niya ba ako, o kanina niya pa ako gustong makita? Tae naman, napakapaasa niya.
I heaved a sigh and just ingored him katulad ng ginagawa niya sa 'kin magmula pa no'ng lunes.
Inisa-isa ko na sa alaala ko 'yong mga possible reason kung bakit siya nagkakagano'n pero sumasakit lang 'yong ulo ko kakaisip. Bumabait na nga ako simula pa no'ng mag-sorry ako sa kanya tapos ano 'tong pinaggagagawa niya ngayon?
Hays.
Sabado na.
Meaning, limang araw ko nang hindi nakikita si Carol. Limang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Nathaniel at limang araw na rin akong tinatanong-tanong ni Mama kung anong ginawa ko sa Nathaniel na 'yon para hindi na sa bahay mag-breakfast.
Napatulala nalang ako.
Grabe naman, ba't parang kasalanan ko? Ba't hindi nalang niya ampunin 'yon at palayasin ako rito?
"Pati si Carol, hindi na pumupunta rito," dagdag pa ni Mama. "Hay nako, Dahlia. 'Yang ugali mo, ha, ayusin mo nga yan!"
Nakakasakit na, ha. Si Mama talaga, ugali ko na naman pinagbintangan.
Napasimangot nalang ako. Miss ko na si Carol. Ni Hindi niya manlang ako niri-reply-an. No'ng pinuntahan ko naman sa kanila, ayaw lumabas. Iniisip ko palang siya kumikirot na 'yong puso ko. No'ng huli kong punta sa kanila nakausap ko 'yong Papa niya at sinabi niya sa 'kin ang lahat.
Natanggal ang Papa niya sa trabaho nito sa school bilang security guard dahil sa nangyaring pagsuntok niya kay kuya Alwin. At dahil nga Hindi kaya ng family niya na suportahan ang pag-aaral niya, napilitan si Carol na huminto muna sa pag-aaral. Umiyak ako ng umiyak sa kanila no'n at pinilit na makausap si Carol pero hindi niya pa raw kaya at sa ibang araw nalang daw kami mag-usap. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi niya manlang sinabi sa 'kin na gano'n na pala ang nangyayari, makikinig naman ako sa kanya.
"Carol is not okay, at hindi 'yon dahil sa ugali ko, Ma," sagot ko nalang. "At saka please lang, Ma, hindi ko kasalanan kung ba't hindi ako pinapansin ng anak-anakan mo na 'yan. Hindi ko naman siya inaano, bigla nalang hindi na ako pinapansin. Akala ko ba friends na kami? Napakalabo talaga ng lalaking 'yon!"
"Ayusin mo kasi 'yang pananalita mo. Ikaw lang 'yong kilala kong masama ugali kahit sa crush."
Nanlaki mga mata ko. "ANO, MA?"
Hindi niya lang ako pinansin at may kinuhang box sa may mesa at saka lumapit sa 'kin.
"Pagkatapos mong maligo puntahan mo sa bahay nila si Nathaniel at ibigay mo 'to."
Napasilip naman ako sa loob ng box. Ang dami namang cupcake.
"Binayaran na ba niya 'to?" hirit ko pa pero napatikom nalang ako ng bibig nang makitang ang sama ng tingin ni Mama sa 'kin. Hindi naman porke kapitbahay namin siya at close sila ni Mama ay libre na 'to sa kanya. Ang kapal niya, ha. At teka bakit siya binibigyan ng ganito ni Mama? Tapos ako wala?
Napapadyak ako dahil sa inis.
"Ma, maawa ka sa 'kin, ampunin mo nalang ang lalaking 'yon para mas maintindihan ko kung bakit mas paborito mo siya kaysa sa 'kin!"
"Kumain ka nalang diyan at saka maligo ka na nga! Puro ka nalang tulog hindi mo na ako tinutulungan dito sa bahay!" tapos bigla pumasok sa kwarto niya. Ni hindi manlang pinansin 'yong sinabi ko.
YOU ARE READING
Hi, Prinsesa
Ficțiune adolescențiPara siyang isang palaso na pilit kong iniwasan pero tinamaan parin ako.