Chapter 16

23 0 0
                                    

Uunahan ko na kayo, wala akong gusto sa lalaking 'yon. Naasar lang talaga ako sa ginawa ko kasi mukha akong tangang feeling cupid para lang makatakas sa sinabi niya. Kaasar, anong pinagsasasabi niya? Kay Mama ko kaya nakuha 'tong mukhang 'to.

Anyways, pagkatapos ko siyang itulak, aba, umatras agad siya tapos bumalik sa 'kin at paharap akong inakbayan sabay hila paalis. Nanlaki 'yong mga mga mata ko. Sasakalin niya ba talaga ako?!

Kitang-kita ko 'yong pagkagulat ni Leejee dahil sa pagkakaharap nila ng crush niya at halata 'yon kasi hanggang ngayon hindi parin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.

"NASISIRAAN KA NA BA, NATHANIEL?!" agad kong sigaw sa kanya nang makababa kami sa hagdan.

"I already said no. Hindi pa ba clear 'yon?" seryoso niyang sagot saka napaiwas ng tingin.

"Grabe ha, ang serious mo," komento ko.

Pumasok kami sa room 1 ng ground floor nang sitahin kami ng isang Prof. Hindi raw kasi puwedeng tumambay sa may hagdan, parang shunge.

Paupo na siya nang bigla niyang sabihing, "Close the door."

Tiningnan ko siya nang masama. "Ang kapal mo, akala ko ba prinsesa ako rito?"

Napatingin naman siya sa 'kin. Agad siyang tumayo at saka mabilis na isinara 'yong pinto. Muntik nang lumabas 'yong tawa ko. Joke ko lang sana 'yon, e.

In-off ko 'yong aircon tapos tatanggalin ko na sana 'yong jacket niya nang bigla siyang magsalita.

"Keep it on. Hindi ko naman sinabing ibalik mo na 'yang jacket ko."

Inayos ko nalang 'yong pagkakasuot ng jacket at saka napairap. "Akala mo kung sinong concerned."

Kaya ko lang naman gustong ibalik 'yong jacket niya kasi naaamoy ko 'yong pabango niya. Baka mamaya dumikit sa 'kin, 'di ko na makalimutan. Jusko, baka 'yong amoy pa niya ang maging cause of death ko.

Medyo natawa siya at napaakbay sa katabing upuan habang nakatingin sa 'kin. "I told you, matino akong lalaki. At saka bagay naman sa dress mo. Mas ano... mas gumanda ka."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Actually, parang 'yong "Mas gumanda ka" lang 'yong narinig at paulit-ulit kong naririnig sa isip ko. Ano ba 'yan, ba't ba niya sinasabi 'yan? Ang awkward naman.

"Hindi ka ba nagki-cringe sa mga pinagsasabi mo?"

"Mukha ka nang mabait."

Ibinato ko naman sa kanya 'yong ball pen na nakuha ko sa teacher's desk. Epal talaga.

Umupo nalang ako sa tabi ng bintana para sumilip sa labas. Kita ko naman 'yong stage mula rito kaya nanood muna ako lalo na at grabe kung makabirit 'yong girl na kumakanta ro'n.

Bigla namang lumapit si Nathaniel habang may dalang upuan at tumabi sa 'kin. Tiningnan ko naman siya nang masama.

"Lumayo-layo ka nga! Ang luwag-luwag kaya ng room na 'to!"

At aba, hindi manlang ako pinansin ni kuya. Bored ata kasi nakinood din sa labas pero hindi pala nasa stage ang mga mata niya. Na kay ate Sigrid.

Nasa tapat siya ng building na kinaroroonan namin at nasa second floor siya kaya kitang-kita sa puwesto namin.

"Kapag 'yang si ate Sigrid ay nahulog, hindi na ako magtataka."

Nakita ko naman siyang napaiwas ng tingin sa kinaroroonan ni ate Sigrid at gusto ko nalang siyang pagtawanan. Inlababo na ata talaga ang loko.

"Friends kayo ni Sigrid, 'di ba?"

"Oo, bakit? Patulong ka? Sorry ka nalang kasi tulong lang kay Leejee ang kaya kong ibigay."

Hi, PrinsesaWhere stories live. Discover now