"I like you, Dahlia," he whispered.
Teka, hihinga lang ako.
Tama ba 'tong naririnig ko, o am I only hearing things?
I remained silent while still looking at him at gano'n din siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Bakit siya umaamin, omg?!
Hindi naman sa hindi ako masayang marinig 'yon, kayang lang sobrang kumakalabog 'yong dibdib ko kaya hindi ko na talaga alam kung anong sasabihin.
Bigla akong may naapakang tsinelas kaya finally nagising din ako kaya napatayo at napalayo ako ng kaunti. Kinuha ko 'yong tsinelas and to my surprise, 'yon pala 'yong tsinelas na ibinato ko sa kanya kanina. I felt my cheeks heated up nang marinig ang nagpipigil niyang tawa.
Agad na hinampas ko sa kanya 'yong tsinelas na ikinagulat niya naman.
"Ba't ka nanghahampas?" Natatawa niyang tanong.
Hinampas ko ulit siya. "Stop joking around, Nathaniel."
"Who said I was joking?"
Tumayo rin siya and took one step closer to me.
"Ha, Ha, Nathaniel and his jokes," napapairap kong sabi.
Hindi siya nakakatuwa.
Sumeryoso 'yong mukha niya.
"So, you thought I was joking when I said I like—" I cut him off bago pa niya sabihin ng buo ulit at umasa na talaga ako.
"Hindi nakakatuwa, Nathaniel."
Kahit sabihin pa niyang ang OA ko, wala na akong pakialam. Hindi dapat ginagawang joke ang feelings.
Humakbang ulit siya palapit. Napaatras naman ako at do'n ko na naramdaman ang malamig na railings ng balcony niya, meaning, wala na akong maatrasan pa.
"I'm serious, Dahlia."
It's really weird when he can easily melt my heart by just saying my name.
Napaiwas ako ng tingin. "E-Eh, ba't ka natatawa kanina?"
At narinig ko nanaman 'yong pagpipigil niya ng tawa kaya napatingin ulit ako sa kanya, nang masama.
"Tingnan mo, natatawa ka, e! Ginagawa mo talaga akong joke time, Nathaniel, ha!"
This time ngiti na 'yong pinipigilan niya. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to, e. Pinaglalaruan niya lang feelings ko!
Bigla siyang humawak sa railings sa magkabila kong gilid kaya pinilit ko paring lumayo kahit wala na akong maaatrasan.
I gulped.
Tumingin siya sa mukha ko habang seryoso na ang mukha at parang anytime puwedeng manlambot 'yong mga tuhod ko dahil sa ginagawa niya. Bwisit naman, ba't ang pogi niyang tingnan?
"I'm really serious right now, Dahlia." And he met my eyes. "I like your smile, I like your name, I like your short hair, I like how your eyes rolled when you see me... I like how you call me Nathaniel even though Nate is enough for me... I like how you always remind me before na ipa-black ko na hair ko... "
YOU ARE READING
Hi, Prinsesa
Teen FictionPara siyang isang palaso na pilit kong iniwasan pero tinamaan parin ako.