Sobraaaang ganda talaga ng panahon today.
Oo.
Super ganda talaga lalo na nang paglabas ko palang ng kuwarto ko, may bigla na agad akong naamoy.
Yuck. I smell something bwisit. O baka naman hindi pa talaga ako gising? Pero duh, ang swerte niya naman para makapasok sa panaginip ko.
Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang sa pagbaba.
Habang pababa ng hagdan, muntik na akong madulas nang mapatingin ako sa may dining table.
Sabi ko na nga ba, e! Kaya pala kanina ko pa nararamdaman na ang pangit ng gising ko!
Kahit pa likod lang niya 'yong nakikita ko from here, his bleached hair is enough for me to recognize who he is.
Aba, anong ginagawa ng panget na 'to dito? Ang aga, ha.
Bigla ko tuloy naalala 'yong kahapon. Bwisit siya! Pasabi-sabi pa na hindi niya kinuha 'yong bag ko, nasa loob lang pala ng bag niya! Magnanakaw talaga 'yon, e! Tapos ang dahilan pa niya kung bakit niya kinuha ang bag ko ay para raw hindi ako um-absent. Naisip ko tuloy na desperado na talaga siyang maging ama ko para gawin niya 'yon, my gosh.
"Nate, I don't know what happened pero I'm sure busy lang talaga siya," rinig kong sabi ni Mama saka lumapit sa kanya at tinap 'yong shoulder niya.
Napataas ang isa kong kilay saka napangiwi.
Seriously, at this hour? Ang aga-aga naglalandian na sila?
"My gosh, I'm gonna throw up," mahina kong sabi saka napatakip ng bibig.
Agad akong lumapit at pumagitna sa kanila.
"Pardon my rudeness, gutom na ako, e," pagdadahilan ko saka umupo sa tabi ni Nathaniel. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon ni Mama baka bigla akong mabato sa pretty face ko.
Nakita ko naman na napatigil sa pagnguya si Nathaniel.
Luh, kumakain pala, pulubi ba 'to? Ba't dito pa nakikikain?
"Hay nako, Dahlia, mahiya ka naman kay Nate. Para kang hindi pinapakain, e," sita ni Mama saka pumuntang kusina.
Hindi ko siya pinansin at nagsimula nalang kumain. Hmp! Hindi manlang ako tinawag ni Mama para mag-breakfast. Feeling ko hinanda niya 'tong pagkain para sa boyfriend niyang panget. I'm a bit hurt.
"Ang aga mong magising, ah," sabi niya.
Padabog na tinusok ko ng tinidor 'yong hotdog sa plato ko saka tiningnan siya nang masama.
"Ikaw, ang aga mong lumandi. Hindi ba sabi ko, layuan mo ang Mama ko?"
Nagulat ako nang bigla niyang tinulak 'yong pisngi ko gamit ang hintuturo niya.
Aba, walang manners.
"Ang aga-aga kung ano-anong iniisip mo," komento niya saka nagpatuloy sa pagkain.
"Anong gusto mong isipin ko? Pulubi ka kaya nakikikain ka rito?"
Napatigil siya. Napabaling sa 'kin.
"Puwede rin," tipid na sagot niya tapos nagpatuloy ulit sa pagkain.
"Luh, e, kumpara naman sa foods niyo, parang alikabok lang 'yong amin. Tss. Maang-maangan ka pa." I rolled my eyes.
Napatigil naman siya sa pagkain.
"Nag-jogging ako sa park. Pagkauwi ko, your mom told me that manang Pearl has already left because of an emergency and she asked me to have breakfast here. Masamang tumanggi sa grasya kaya pumayag ako. Ano, happy?"
YOU ARE READING
Hi, Prinsesa
Teen FictionPara siyang isang palaso na pilit kong iniwasan pero tinamaan parin ako.