Chapter 17

11 0 0
                                    

Crush lang naman. Hindi naman 'yon big deal at saka hindi naman masama magka-crush 'di ba?

NO WAY!

Hays, ano ba 'to? Nakakatawa naman 'tong mga naiisip ko. Sabi ko na nga ba at ayaw ko talagang makipag-friends sa kanya. Like duh, nami-misterpret ko na 'tong kabaitan ko sa kanya.

Dahan dahan kong binuksan 'yong bintana. Siniksik ko 'yong sarili ko sa kurtina at sumilip silip sa labas para tingnan kung nando'n ba si Nathaniel sa balcony niya at tama nga ako, nando'n siya at may hawak na tasa.

Gosh, ano ba 'tong ginagawa ko?

Baka kasi nagri-ready na siyang pumunta sa school, aba, ayoko siyang makasabay, 'no! Masyado na siyang feeling close kaya kahit ngayong araw lang lumayo-layo muna 'yang kaluluwa niya sa 'kin.

Ang gulo pa ng buhok niya 'kala niya naman... hays! Bakit ba kasi niya pina-black 'yang buhok niya? Kainis naman!

Nilagay niya sa maliit na table sa gilid 'yong tasa niya at saka siya nagstretch. Nanlaki pa mga mata ko nang bigla nalang niyang hinubad 'yong t-shirt niya. At ewan ko ba kung anong peste 'yong naapakan ko at muntik na akong ma-out of balance!

"Good morning, prinsesa." Tapos narinig ko pa siyang natawa nang mahina. "Ba't ka ba kasi nagtatago dyan sa kurtina mo?"

Napapikit ako sandali dahil sa kahihiyan saka inayos 'yong sarili. Malakas na hinawi ko 'yong kurtina at sinamaan siya ng tingin.

"Sinong nagtatago, ha?" Inirapan ko pa siya. "Alam mo, Nathaniel, hindi ka ba napapagod sa kaka-prinsesa mo sa 'kin?"

Yes, balik na tayo sa pagsusungit. Baka mamaya iba rin ang maisip niya do'n ha.

"Ikaw nga 'di napapagod kaka-Nathaniel sa 'kin, e."

"O, edi, Nate, happy?"

Kinuha niya 'yong tasa niya, humigop do'n at saka nag-thumbs-up. "10am pa exam natin, 'di ba?" Tumango lang ako saka humikab. "You get up early."

Tinaas-taas ko lang 'yong mga kilay ko saka napahikab ulit. Katamad naman today. Katamad ding makipag-usap sa kanya. Wala ako sa mood para awayin siya. Balak ko nga sanang hindi siya pansinin today para magsungit kasi wala lang, trip ko lang sana kaso... BAKIT BA AKO SUMILIP-SILIP KANINA?!

"Seven palang naman, you won't be late if you go back to sleep again."

Napakurap-kurap ako saka umiling-iling.

"Aren't you gonna talk?"

"Ano na namang problema mo? Buti nga 'di kita inaaway diyan, e."

Nakakahiya talaga. Pa'no kung isipin niyang sinusulyap sulyapan ko 'yang katawan niya?! My gosh, mahiya naman sana siya kung isipin niya 'yon!

Nagkibit-balikat siya. "Nakakapanibago kaya kapag hindi ko naririnig masyado 'yang boses mo."

"Edi wow, mag damit ka nga!"

At ang lalaking 'yon hindi manlang pinansin 'yong sinabi ko.

"Hey, aren't we friends already?"

"Kahit friends pa tayo wala ka paring karapatang maghubad-hubad dyan. Ano, kami pa mag-a-adjust umiwas ng tingin?"

Natawa siya.

"Edi tingnan mo."

"Wow, ang kapal!"

Tawa lang siya ng tawa habang pinanlilisikan ko na siya ng mga mata.

"What?" pagmamaang-maangan niya.

"Alam mo, Nathaniel, kung gusto mo lang itanong kung go pa ba ako sa pag-help sa 'yo kay Leejee, don't worry, go pa ako kaya magdamit ka na nga!"

Hi, PrinsesaWhere stories live. Discover now