"WHAT?!"
Napabangon ako agad nang marinig ang boses ko.
Yeah, boses ko. Hanggang sa paggising ba naman, niri-remind sa 'kin kung gaano ako ka-loser?!
Naalala ko pa, pag-uwi ko sa bahay kagabi naabutan ko si Mama na nakaupo sa sofa habang pikit ang mga mata. Bukas pa ang tv.
I sighed.
She must be so tired.
Nabanggit sa 'kin dati ni Mama na papalitan na raw ang boss nila. So baka bago na 'yong ngayon at ino-over work ata lahat ng empleyado kaya ganito nalang ang pagod niya pag-uwi. Idagdag mo pa 'yong boyfriend niyang panget na for sure ay sakit lang sa ulo niya, amp! Ayan, jowa pa kasi ng pang anak material.
Lumapit ako kay Mama and I woke her up para sabay kaming kumain ng dinner. Kahit naman kasi naiinis ako sa mga padalos-dalos niyang desisyon ay love ko parin naman siya.
We ate in silence.
I glance at her.
Ba't parang... ang tamlay ni Mama?
"Ma, okay ka lang ba?" may pag-aalala kong tanong.
Napahinto siya sa pagnguya at saka napatango.
"Medyo masakit lang ang ulo ko," sagot niya.
I instantly rolled my eyes. Sabi ko na nga ba, e!
"Ma, matagal na po akong nagpipigil," I said in a serious tone, napatingin naman sa 'kin ang matatamlay niyang mga mata. "I want you to be happy that's why okay lang sa 'kin kung gusto niyo pong mag-asawa."
Napataas naman ang isang kilay niya.
"And... so?"
Napalunok ako saka napahawak sa sentido ko. Kunwari pa siyang hindi niya maintindihan 'yong gusto kong sabihin.
"Ma, please, kung magbo-boyfriend lang naman po kayo, do'n naman sana sa bongga ang kaguwapuhan at do'n naman sana sa ka-age niyo lang and with permanent work pa."
Biglang naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin.
"You mean, your adviser, Mr. Javier?" She raised her right eyebrow while clicking her tongue, slowly shaking her head, seemed disappointed.
My eyes widened. I'm speechless.
How did she know?
Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa matapos siyang kumain. Sinundan ko pa ng tingin kahit sa pag-inom niya ng tubig. Pagkatapos no'n ay napatango-tango siya.
"Tinawagan niya ako kanina and I was wondering on how did he got my number then bigla kitang naalala." She clicked her tongue multiple times. "Mga kalokohan mo na naman, Dahlia, itigil mo 'yan. May dini-date ako."
So, I got caught, again? Tss. What a lame idea, Dahlia. Nakakaasar.
And wait! Inamin niya rin na may boyfriend siya and it's obviously Nathaniel!
Tinry kong magpalusot. Sinabi kong, "Kalokohan agad, Ma? Gusto lang naman tumikim no'ng tao ng cupcake mo, bawal ba 'yon? Buti nga sinuggest kita."
Pero gaya no'ng mga dating plano ko no'ng may mga dini-date si Mama na hindi ko bet, sablay parin.
"I know everything, Dahlia, so stop making excuses."
At do'n na ako napairap.
"Stop rolling your eyes, tutusukin ko 'yan," she warned, napatigil tuloy ako kakairap. "Kung hindi pa sinabi sa 'kin ni Nate 'yang plano mo—"
YOU ARE READING
Hi, Prinsesa
Teen FictionPara siyang isang palaso na pilit kong iniwasan pero tinamaan parin ako.