"Manong guard naman, ilang baldeng kalabasa po ba ang nilunok niyo? Ba't ang linaw po ng mga mata niyo?"
Kanina pa ako nakikipagbangayan kay manong guard, my gosh. Para namang hindi kami magkakilala.
"Mga kabataan talaga ngayon kung ano-anong kalokohan ang naiisip," bulong niya habang napapailing-iling.
Pati ba naman ID ko napansin?
Hays, panget na Nate na nga, bwisit pa! ID niya binigay sa 'kin kagabi, ni hindi ko manlang napansin! Kasalanan ko naman pero mas kasalanan niya!
"Manong guard, may long quiz nga po kami ngayon, so please, just this once," pagdadahilan ko pa. "Tanungin niyo pa po si Carol."
"Anong tanungin ko pa si Carol? Kakagising pa nga lang ng batang 'yon, e. Kahit ano talagang sabihin ko ang tigas talaga ng ulo. Pareho lang kayong dalawa, e."
Napasimangot naman ako. "Manong naman, parang pinapalabas niyo namang bad influence ako kay-"
"Ineng, nasa school rules and regulations ang no ID, no entry kaya 'wag mo nang pilitin. 'Di ka parin puwedeng pumasok."
Ineng? Ang ganda-ganda na nga ng pangalan ko hindi niya pa mabigkas. Cut that Princess.
"E, mayroon naman po akong dalang ID, e. Look," pamimilit ko pa.
"Pero hindi naman iyo. Tingnan mo nga, Nathaniel S. Raven pangalan, 'di ka naman lalaki. Dinadamay mo pa boypren mo."
Nanlaki 'yong mga mata ko.
"Excuse me, hindi ko po siya boyfriend! Like ew. Baka mamaya sabihin niyo po kay Mama, ah."
Gosh, Nathaniel panget, I'm gonna bury you alive!
Pero teka, bakit kaya pang school namin 'yong ID niya? E, hindi naman siya dito nag-aaral. 'Wag niyang sabihing...
"Dahlia, baby ghorl!"
Napalingon naman ako sa tumawag sa 'kin. Thanks, God, it's Caroline. Para akong nabunutan ng tinik sa puso nang makita ang bestfriend ko.
Finally, makakapasok na rin ako.
"Carol... " nakasimangot na sambit ko.
Agad na napayakap naman siya sa braso ko saka tumingin kay manong guard.
"Pa, last na po talaga," sabi niya habang malawak ang ngiti and thank goodness, we made it!
Hinila agad ako ni Carol papasok. Sobrang higpit pa ng hawak niya sa braso ko kaya nagreklamo ako.
Binitawan naman niya ako no'ng nasa may labas na kami ng clinic. Tinaasan niya pa ako ng isang kilay.
"At sino 'tong narinig kong Nathaniel? Base sa pangalan, it's obviously a guy. Hindi ko alam kung tama ba itong naiisip ko pero tell me, Dahlia, may tinatago ka ba sa 'kin?" Pinaningkitan niya pa ako ng mga mata.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, e. Ayoko talagang machismis kahit may pagkachismosa rin ako.
Inirapan ko naman siya.
YOU ARE READING
Hi, Prinsesa
Teen FictionPara siyang isang palaso na pilit kong iniwasan pero tinamaan parin ako.