Chapter 6

20 1 0
                                    

"Hoy, Dahlia! Ikaw ha, may tinatago ka ba sa 'kin? Sa 'kin na bestfriend mo?" pag-iinarte ni Carol.

"'Wag ka ngang magulo, may iniisip ako," iritado kong saway.

Iniisip ko parin kung paano ko mapapagkita sina Mama at sir.

Bigla niyang niyugyog braso ko.

"Nakita ko kaya kayo kahapon!"

Kumawala naman ako sa pagkakahawak niya.

"What? Anong sinasabi mo?"

"Asus, kunwari ka pa! Kayo ng panget na sinasabi mo." Sinundot-sundot niya pa ako sa tagiliran kaya hinampas-hampas ko 'yong kamay niya.

"Pero infairness, Dahlia, ah. Bagay kayo."

"O, utak mo nanaman, Carol, dumudumi." Pero inaasar niya parin ako, gosh, first time niya akong iasar sa iba, hindi ako sanay. Lagi kasing si kuya Aries dati 'yong inaasar niya sa 'kin pero simula no'ng kinuwento ko sa kanya 'yong narinig ko kay kuya Aries, naturn-off na siya. Hindi na nga rin niya pinapansin, e.

"Sana all talaga kapitbahay. Sana all talaga close."

Napairap ako.

"Excuse me, hindi kami close. FC lang talaga siya. At saka bata palang 'yon, papansin na talaga kaya 'wag ka nang magulat. Ipakalat mo 'yang chismis, ha? Baka kung ano nang iniisip nila tungkol sa 'min," depensa ko. "Tingnan mo, ang dami kong fans sa paligid. Sobrang ganda pa ng tingin nila sa 'kin.

Napatingin naman si Carol sa mga chismosa at saka sila tiningnan din ng masama ni Carol. Sinaway ko naman agad.

"Back to the topic. Grabe naman, 'yong kapitbahay nga namin, ever since tumira sila ro'n, kasundo ko na."

Well, to be honest, friends naman kami ni Nathaniel no'ng mga bata kami, e. Kaso no'ng isinama siya ng Papa niya sa america, pagbalik niya, ayon, suplado na. Pumuti lang, nagsuplado na. At do'n ako nagsimulang mainis sa kanya.

"Excuse me, you're blocking our way, miss."

Napatigil kami ni Carol sa pagchichismis.

Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung kanino boses 'yon. Ang maarte niya palang boses ay sapat na para makilala ko siya.

"Ay," nakakunot noong sabi ni Carol saka mas gumilid nalang.

I just rolled my eyes as I folded my arms. That b*tch. Ang luwag-luwag na nga ng daan, e! Nasa gilid na kami, hello? Blocking my foot.

Gosh, kung 'di lang kita kailangan ngayon, nako!

"Dahlia, 'di ba, classmates kayo dati? Ba't parang hindi ka niya kilala ngayon?" tanong ni Carol saka humawak-hawak sa braso ko.

Classmates? Hindi lang classmates pero wala na akong pake.

"Ganyan talaga pag gumaganda," sagot ko saka napataas ang isang kilay.

"Sus, mas maganda ka pa kaya!"

Napatingin naman agad ako sa kanya then I smiled widely.

Hi, PrinsesaWhere stories live. Discover now