Chapter 9

18 0 0
                                    

"HEY, YOU CAN STOP HUGGING EACH OTHER, KANINA PA WALA 'YONG TRUCK."

Agad ko naman siyang itinulak nang marinig 'yon kay Allen at saka mabilis na umuna na sa paglalakad. Iniwan ko na sila ro'n.

Next time talaga, ayoko na ng kasabay.

I breathe in and out to calm myself down. Grabe, hindi ko alam kung saan ako matatakot. Kung do'n ba sa muntik na akong masagasaan o kung do'n sa napayakap ako sa kanya, err, ayoko nang isipin.

Pagdating ko sa school ang daming estudyanteng nakakalat sa paligid like omg, para akong nasa palengke, ang iingay pa.

Ganito talaga every friday since elementery ako. Minsan kasi isa o dalawang sub lang may klase at 'yong ibang teachers, hindi kami sinisipot. Puwede ring lumabas ng campus anytime at makapaglakuwatsa.

"HOY!"

I almost jump in the air when I heard that.

"My gosh, Carol, papatayin mo rin ba ako sa gulat?" Tapos tiningnan ko siya ng masama.

"Rin?" nagtataka niyang tanong. "Bakit, may nauna na bang manggulat sa 'yo kaysa sa 'kin?" Nakapamaywang pa siya habang sinasabi 'yon.

Hays, hanggang ngayon, medyo nanginginig parin 'yong mga kamay at tuhod ko.

"Muntik na akong masagasaan kanina—"

"WHAT?!"

"Ang OA, Carol, ha," komento ko.

"Dyan ka dapat maging OA, 'no?!" aniya. "Ano, okay ka lang ba? Wala naman bang masakit sa 'yo?"

Gusto ko tuloy mapangiti. Kitang-kita ko 'yong pag-aalala sa mukha niya.

"Thank God, naka-survive ako. Sobrang natakot talaga ako, like omggg, kapag nawala ako, paano ko na mapapaghiwalay sina Mama at 'yong panget na 'yon?!"

Carol scoffed.

"Hanggang do'n ba naman naisip mo pa 'yon?" natatawang tanong niya. "Ibang klase ka talaga, Dahlia."

Ikinuwento ko kay Carol 'yong nangyari kanina simula no'ng nakisabay sa 'kin si Allen then sumingit si Nate tapos 'yong panunulak part na nauwi sa muntikang sagasa and lastly, 'yong sa part na nakayakap ako sa kanya.

"OMGGG—" tinakpan ko naman agad 'yong bibig ni Carol.

"Wala namang tilian, ano ba, wala naman tayo sa sabungan, e," reklamo ko.

"Okay, okay, kinilig lang ako sa last part, kaya 'wag mo 'kong sisihin, yieee!"

Napangiwi ako.

"Kinilig? My gosh, anong nakakakilig do'n, Carol? Nakakakilabot, puwede pa."

Sinuntok niya naman ako sa shoulder nang mahina.

"Asus, robot ka na ngayon? Walang feelings? Ayieee... "

"Hay nako, tigilan mo ako, Carol."

"Alam mo, napapaisip nalang ako, ha. Lagi ka niyang inaasar at saka base sa observation ko, sa lahat ng girls dito sa school, sa 'yo lang siya medyo lumalapit kaya sa 'yo siya gano'n."

"And so? Akala niya kasi, porke kapitbahay namin siya, close na kami. Duh, FC talaga 'yon, e."

"Napapaisip lang ako, maybe... may gusto siya sa 'yo?" seryoso niyang sabi and I was like, "WHAAAT???"

Napataas 'yong isa kong kilay. Joke ba 'to?

"Ang OA, Dahlia, alam mo 'yon?" sabi niya saka napairap.

Ang labo naman kasi ng sinabi niya. Sobrang labo na katawa-tawa na.

"Nahihibang ka na ba?"

Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Grabe, sobrang imposibleng mangyari 'yon, guys. You know naman, si Mama ang type niya at nasa 30's ata 'yong mga gusto niyang makatuluyan.

Hi, PrinsesaWhere stories live. Discover now