I took three deep breaths before drowning myself into my bed.
It's just a simple crush.
Oo!
At dahil lang 'yon sa pagsayaw nila no'ng acquaintance party. Parang nakikita ko lang in person si Kang Daniel—wait. Siyempre, Kang Daniel in his worst state. Yes. Kasi kung sa normal na hitsura ng Kang Daniel ko, e, ni kuko niya hindi papasa 'yang si Nathaniel.
Hindi naman siguro magli-level up 'tong crush stage na 'to, ano?
"Hindi niya deserve makita kung gaano ka kaganda ngayon, Dahlia."
Sinampal ko 'yong sarili ko. Ano naman kung tinawag niya ako sa pangalan ko? At ano naman kung sinabi niya na maganda ako ngayon? E, maganda naman talaga ako always? Big deal ba 'yon, hello?
"At hindi mo rin deserve paghintayin ng isang katulad niya... lalo na't prinsesa ka."
Napasabunot ako sa sarili ko at nang mapagod ay napatitig nalang sa kisame.
Bakit niya ba sinabi 'yon?! Isa talagang sumpang dumating 'yang si Nathaniel, e! Ang mas malala pa, sobrang tanga ng ginawa ko pagkatapos niyang sabihin 'yon.
Tinakpan ko ng unan 'yong mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan. Sana magka-amnesia nalang ako para makalimutan kong para akong batang nagtatakbo pagkatapos niyang sabihin 'yon.
Ano nalang ang iisipin niya dahil sa ginawa ko?
Hays.
Birthday niya pala. Ni-hindi ko manlang siya nabati. Pero ano naman? Hindi naman ako 'yong naunang mang-deadma.
Bumangon ako at binuksan 'yong bintana ko. Ewan ko, parang gusto ko ng malamig na hangin sa labas.
Napatingin ako sa madilim na balcony ng kwarto niya.
Birthday niya pero ang tahimik ng bahay nila. Nakauwi na kaya siya? Bakit kaya siya nasa park kanina? Malabo namang pumunta lang siya para sundan ako.
Natawa ako sa sarili ko.
"Bakit niya naman gagawin 'yon, if ever, 'di ba?" pagkausap ko sa sarili ko saka napabuntong hininga.
Sana pala hindi nalang ako tumakbo. Hindi naman sa naaawa ako sa kanya pero... ewan, hindi ko mapiligang maisip 'yong sinabi ni lola Pearl na hindi na raw pumupunta 'yong friends ni Nathaniel sa bahay nila. Wala rin naman ang parents niya. Pati 'yong kapatid niya.
It's just him and lola Pearl.
Pero naisip ko, baka naman may hinihintay siya sa park kanina. Baka nga si Leejee pa 'yon kasi mukhang close naman na sila. Baka 'yon ang dahilan kung bakit wala nang rason para lumapit pa siya sa 'kin at makipagplastikan. Hindi na rin naman importante greetings ko kaya nevermind.
Napabuntong hininga ako't isasara na sana ang bintana nang may biglang nagsalita.
"You're distracting me, prinsesa."
Napahinto ako.
Hinanap ko 'yong narinig kong boses pero hindi ko makita.

YOU ARE READING
Hi, Prinsesa
Fiksi RemajaPara siyang isang palaso na pilit kong iniwasan pero tinamaan parin ako.