Kakabalik ko pa lamang galing England dahil sa isang seminar ko doon. I was waiting patiently for my luggages to arrive and minutes after I saw them and immediately pulled it over. Pinalagay ko na dito ang aking kotse kina Kuya Dodong para ako na ang mag-drive papunta sa aking bahay.
Kakatayo pa lamang nito four years ago at tumitira na ako dito for two years. Hindi naman ako palaging nandito dahil madalas ay sa Hospital na ako natutulog. Minsan ay kailangan ng tauhan in charge sa Hospital kaya naman nilagay ko sa office ko doon ang ilang neccesities ko.
It's already two in the morning here in the Philipinnes, at kakarating ko pa lamang sa aking bahay. Hindi na ako naligo o nagpalit ng damit at kaagad ng lumukso sa kama at nakatulog na. Mamaya ay kailangan kong gumising ng maaga dahil ang duty ko ay malayo sa Asturias.
Pagkabangon ko ay nagluto ako ng breakfast ko at nagtimpla rin ng kape. Mabilis akong kumain at maya-maya ay bumalik ako sa aking kwarto upang maghanda na papasok. Isang itim na fitted long sleeves at grey slacks ang sinuot ko. Sinuot ko rin ang aking white sneakers upang bagayan ang suot ko.
Dahil madalas ay may emergency sa bawat Hospital ay kailangan kong magdala ng scrubs. Inilagay ko ito sa isang adidas duffel bag at kasama na doon ang aking tumbler, extra shirt, towel, at iba kong kailangan.
Inilagay ko naman sa aking louis vuitton doctor's handbag ang aking cellphone, credits, wallet, lipstick, at stethoscope ko. Kinuha ko na rin ang susi ng aking bahay at kotse at tuluyan ng umalis doon. While I was driving along Asturias ay biglang nag-ring ang aking phone
"Hello, doctor Claire is speaking." I said in the line and put it on loud speaker.
[Doctora, may insidente dito sa San Jose. Kailangan po kayo dito!] gilalas ni Doctor Diego na kaibigan ko sa medicine field.
"Be there at ten, doc." mahinahon kong sabi sakanya at kusa na niyang pinatay ang linya.
Malayo ang San Jose sa San Roque kung saan ako nakatira. Kaya pinahahurot ko ang aking sasakyan at buti na lamang ang binili kong sasakyan ay isang sports car. Dahil kung hindi ay tiyak marami ng nasawi bago ako makapunta sa San Jose.
Responsibilidad ko ang mang-ligtas ng buhay ng mga tao. Ito ang ginampanan kong tungkulin sa harap ng gobyerno at ng aking bayan. Isa akong doctor kaya naman kailangan kong gampanan ang ipinatong na tungkulin sa akin.
Napatigil ako ng mayroong nagpasabog sa gilid ng kalsada. Napa-preno kaagad ako at napatingin kaagad sa aking paligid. Napalabas kaagad ako sa aking kotse ng maanigan ang isang kotse parang nalustay dahil sa mga tinamo nito sa pagsabog.
Tumakbo na ako doon at tinawagan ang emergency para pumunta kaagad dito. Kamalas-malasan ay hindi sumasagot ang emergency! Napamura ako doon dahil sa inis. Lumapit ako sa sasakyan at pinagmasdan ito. Umuusok usok pa ito at talagang may apoy pa sa makina nito!
Binuksan ko kaagad ang driver seat ng kotse at nakita doon ang walang malay na lalaki. Hindi ko na halos makilala dahil sa dugong nabubuo sa kanyang mukha. Siya lamang ang nasa loob ng kotse at wala ng iba. Hindi ko na binuhat ang kanyang gamit doon at hinila ko na siya patayo at inilagay sa aking balikat ang kanyang braso para sa suporta.
Mabigat siyang tao kaya halos magkadapa-dapa na ako mapunta lang sa aking kotse. Binuksan ko kaagad ang backseat ng aking kotse upang doon siya ilagay. Dahil lumalabas ang dugo niya sa kanyang ulo ay nagmamadali kong kinuha ang isang bandage galing sa aking bag at itinali ko ito sakanyang ulo upang mapatigil lang ang pagdurugo ng kanyang ulo.
"Wake up! Wake up! Damn, isusugod na kita sa ospital!" sigaw ko pa rin dito sa lalaking ito.
Tinampal tampal ko pa ang kanyang balikat at pisngi ngunit hindi pa rin siya nagigising. Nagmamadali ko namang sarhan ang pintuan ng aking kotse at pumasok na sa loob upang magmaneho na papunta sa San Jose.
BINABASA MO ANG
Prosecute The Dominance
Teen FictionAsturias Series #3 Serving with dominance to people needed a hand is her job. While his job, is to prosecute with his full audacity. No matter what happens, he will still serve the justice. But can he prove it if his love ache in the end? The love...