Mace Special: Ngiti

80 10 5
                                    

"Are you sure about your decision, Mr. Sebastian?" Ang naging malaking tanong ng dean sa akin. Kita ang pagkadismaya sa mga mata niya pagkatapos ng mga sinabi ko sa kanya. "Paano na lang ang scholarship mo? You should know you're putting your scholarship at stake sa desisyon mong iyan."



"Ayos lang po Sir. Ako na po ang bahalang kumausap sa kompanya tungkol sa scholarship ko." Pagsisigurado ko sa kanya. Alam kong may pag-aalala din sa tono ng kanyang pagsasalita kung kaya't ngiti na lang ang tanging nagawa ko. Namuo ang katahimikan sa amin kaya nilingon ko muna si Jastine na mukhang may kausap sa kanyang cellphone. Nagpumilit pa siyang sumama sa akin kahit hindi maganda ang pakiramdam niya. Buti na lang at hindi niya naririnig ang pag-uusap namin ng dean.



"But how about the National Math-Con? Hindi ba't sa susunod na semester na iyon?" Napalingon ulit ako kay Sir Mendez. "Sayang naman kung mawawala pa sa atin ang championship ngayong taon."



"Hindi naman po siguro. Napakarami pong magagaling dito sa department eh. Hindi ninyo na po kailangang mag-alala tungkol doon." Paliwanag ko sa kanya.


Nagbago ang tingin ng dean sa akin na para bang may mali sa mga nasabi ko. "But having you in the freshmen team would increase our chances of winning the championships again. You have great potential, Mace." Pagtawag niya sa pangalan ko. Tumayo siya at hinawakan ako sa balikat. "I can see that you do. Just finish the academic year here. Kung maipapanalo mo ang Math-Con, kahit labag man sa loob ko at ng mga professors mo,



hindi namin pipigilan ang pag-alis mo."



Huminga ako ng malalim at pinag-isipan ang mungkahi ng dean. "Sige po Sir. Makakaasa kayo. Ipapanalo ko po, para sa department."



Sabay na kaming lumabas ng dean sa opisina niya. Wala na si Jastine nang paalis na kami. Sinabi naman niya sa akin na magpapacheck-up siya ngayon.



"Think about it Mr. Sebastian. Sige, I'll go ahead. Nagsimula na daw kasi ang meeting para sa bagong president ng university." Paalam ng dean sa akin. Sinabi ko na pag-iisipan ko muli ang desisyon ko at pinasalamatan siya. Nanatili akong nakangiti hanggang sa hindi na nakatingin ang dean sa akin at naglakad na palayo.

 Nanatili akong nakangiti hanggang sa hindi na nakatingin ang dean sa akin at naglakad na palayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Is everything alright, Mace?" Gulat akong napaharap sa nagtanong. Si Lance pala. Kanina pa ba siya dito sa labas ng opisina? Paano siya napunta dito? Bakit siya nandito? Kumain na ba siya?



At tsaka, nagkita ba sila ni Jastine?



"Woah woah woah easy there." Pagpipigil niya sa mga tanong ko. "To answer your questions, yes I am here. Second, it hasn't been long since I arrived. Third, I took the elevator to be here." Natawa pa siya sa sinabi niya.



"Fourth, boyfriend duties. I came here to fetch you."



Biglang nanikip ang pakiramdam ng dibdib ko. Dinaan ko na lang sa ngiti.

You Just Me (Just Between You and Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon