Chapter 1
Bellarina Sudalgo anak ni Calla Sudalgo at Santino Sudalgo may-ari ng isa sa tatlong pinakamalaking Cosmetics Company ang magulang ko. Binuo nila iyon sa sarili mismong mga paa.They worked together until they finally build their dreams. Pagkatapos nuon doon pa lamang ako nabuo.
Papa is a well known professional scientist. Habang si mama talaga ang nagtapos ng kursong may kinalaman sa cosmetics. But still them being together worked no actually papa said it just clicked. Sabi nga ni papa siguro talagang itinadhana sila ni mama para sa isa't isa.
Simula pagkabata lahat ng gusto ko ay madali kong nakukuha ng walang kahirap-hirap. Maybe because I have an angelic face and a pretty smile kaya naman walang duda at halos lahat ng lalaki ay nahuhumaling saakin. I get a way easily in their hearts. Nang tumungtong ako sa highschool ay mas lalong naging sikat ang pangalan ko. Halos hindi mabilang ang mga nagkakandarapang manligaw saakin at ang biglang pagdagsa ng mga gustong maging kaibigan ako. Paano ba naman kasi simula ng pumasok ako sa Saint Fatima University ay naging usap-usapan na ako agad dahil sa performance ko sa academics at hindi lang iyon pati na din sa mga iba pang activities sa University. Mapasports o pageant ay wala akong pinalampas. I like competing with anyone that's where I gain my confidence.
For me popularity, wealth, and of course pretty faces is what the world is all about. Doon umiikot ang mundo. Walang puwang ang mga pangit. But I also believe na walang pangit na nilikha ayon nga lang may mas angat ang ganda kay sa iba.
I take good care of my face and my body. Para saakin mukha ng isang tao ang pinakaimportante dahil kahit gaano ito kayaman kung pangit naman ay useless lang din dahil hindi ka din naman matatanggap sa lipunan.
"Tita Dana!"bulalas ko ng makapasok sa loob ng bahay namin at makita ang ginang.
Napalingon si tita Dana saakin at nakangiti ako nitong nilapitan.
"Belle! Ang laki-laki mo na!"niyakap ako ni tita Dana and of course I hugged her back.
"You're back from states?"I asked happily. Ito ang pinakaclose ni mama at ito din ang pinakapaborito kong ninang. Because she spoils me a lot.
"Yes."ngumiti naman si tita Dana saakin."Anyways, where have you been? Kanina ko pa hinihintay ang paborito kong inaanak."she asked, grinning from ear to ear.
"Naku! Busy'ng-busy yan sa pagmomodelo, Dana."napabaling kaming pareho sa kadarating lang. Si Mama. May bitbit itong meryenda. Kumunot ang noo ko. Madami kaming mga kasambahay sa mansion kaya bakit hindi na lang niya utusan ang mga iyon dahil unang-una ay trabaho naman ito ng mga kasambahay.
"Ma!"lumapit ako kay mama at niyakap siya.
"Well I don't see anything wrong about that, Calla. Napakaganda ng anak mo kaya hindi na nakakapagtaka na mapapasok siya sa ganoong larangan. You should be proud of."tumatangong sabi naman ni tita Dana at napabaling kami parehas ni mama sakanya. Kaya ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng mga ninang ko dahil madalas akong kampihan.
"Syempre nagmana ata saakin ang anak ko. Ang iniisip ko lang ay masiyadong magulo sa trabaho na iyan. Alam mo yan Dana."makahulugang sagot ni mama kay tita Dana."At isa pa siya ang mamamahala sa kompanya mahirap pagsabayin ang ganyang trabaho."mama added, shaking her head.
Kapwa dating mga modelo din ang dalawa na tumigil lamang ng makapag-asawa. Because like what mama told me. Hindi daw gusto ni papa na nagmomodelo siya dahil dumadami lalo ang kaagaw ni papa kay mama. And I find it selfish and at the same time romantic.
Tumawa na lamang si tita Dana at hindi na umimik sa sinabi ni mama.
"Well I prepared meryenda at halika na kumain na tayo!"si mama.
BINABASA MO ANG
Beast in Me
Любовные романыBeast Series #1 Ace Alford Adams was kidnapped and his pretty face was burn. Simula nuon nagbago na ang mundong ginagalawan niya. He is no longer the handsome prince charming, he is now the Beast and where is his Belle?