Chapter 7

2.6K 80 0
                                    

Chapter 7

"What? He said that?"naiiling na tumawa si Mishell. Nagiempake na siya ng gamit niya dahil bukas na ang flight niya pabalik sa pilipinas.

"Yes."sagot ko at hindi ko mapigilang mapairap ng maalala ang nangyare sa bar kagabi.

Ang pangit na iyon! Grr!

"Alam mo mas lalo tuloy akong naeexcite na umuwi diyan! Hintayin mo ko bukas."she chuckled.

"Yeah right."I grinned at her.

"Pero baka naman nagkaroon lang siya ng problema kaya badtrip?"she asked.

Napaisip naman ako. Ano naman kaya yon?

"Ewan ko at wala akong pake. Hindi naman siya kawalan sa pangit niyang iyon."I grimaced.

"Okay sabi mo e."sabay halakhak niya.

"Ma'am Belle,"napalingon ako sa pinto ng may kumatok sa kwarto ko. It's our maid.

"Who's that?"tanong ni Mishell.

"Maid."tipid na sagot ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto at bumungad saakin ang maid namin.

"Ma'am Belle, nasa baba po si sir Helios."

"Si Helios?"kumunot ang noo ko. Tinanguan ko ang maid at umalis na ito.

"Mukhang may bisita ka."Mishell grinned meaningfully.

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko, kavideo call ko si Mishell. "Silly it's just Helios."naiiling na sabi ko at nagpaalam na sakanya.

Nadatnan ko si Helios sa living room ng bumaba ako.

"Hey! Helios!"I greeted him.

"Belle!"he wiggled his eyebrows.

"Hmm. Anong ginagawa mo dito?"I asked him.

"Nasabi saakin ni tita na hindi ka daw naglalabas ng kwarto mo. So...I came to checked on you."he explained.

"I'm fine. Si mama talaga. I just don't feel like going out."I reasoned out.

Tumawag ako ng maid at nagpakuha ng juice.

"Ganon ba. Sayang pala."he said.

"Huh? What do you mean sayang?"I asked him. Mula sa kakaalis lang ng maid ay ibinaling ko sakanya ang tingin.

"Balak sana kitang imbitahin sa reunion ng batch namin e."nakangising sabi niya.

Bahagyang nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi.

Batch reunion nila!? Nakaramdam ako ng excitement dahil sa sinabi niya. At may isang tao din ako na gustong makita doon.

"Aatend ba si Teron?"naeexcite na tanong ko sakanya.

Nangunot naman ang noo niya.

"Teron?"he asked.

"Yup! Si Teron iyong captain ng volleyball team?"

"Oh! Him!"napatango siya na parang naalala na ang lalaki.

Teron is my ultimate crush eversince. Crush na crush ko na ito noon simula ng makilala ko ang lalaki. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko naging boyfriend ito because I'm pretty much sure I always get what I want.

Oh! I remember. Busy kasi siya. Ang balita ko wala pa daw plano iyong maggirlfriend noong college kami. Puro aral at volleyball lang ang pinagkakaabalahan niya noon. And that time I was busy hating and insulting Alas. Natuon na lang kay Alas ang atensyon ko noong college ako simula ng maging kaibigan ko siya well he was part of my circle of friend.

Beast in MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon