Chapter 28

3.2K 81 2
                                    

Chapter 28

All I could see before the pain envelope my whole being is Alas, who is shouting something pero hindi ko na marinig ng klaro. He was running after me when he stop, with wide eyes open and I could see fear in his eyes.

Alas...

Hindi ko alam kung anong nangyare basta bigla na lang akong humandusay at ramdam na ramdam ko ang sakit mula sa aking likuran na sumasagad hanggang kaibuturan ko. What the fuck happened?

Pumipikit-pikit ang mga mata ko pero nilalabanan ko na tuluyan ng mawalan ng malay.

This is not happening!

"Belle..."namamaos na tawag ni Alas sa pangalan ko at doon ay umagos na ang luha sa aking mga pisngi. Dinaluhan niya ako at niyakap."Belle..."punong-puno ng pag-aalala at takot ang napakagwapo niyang mukha.

Pilit akong ngumiti sakanya kahit sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman ko. Napaubo na din ako ng dugo. I caress his cheek, weakly.

"A-Alas..."muli akong napaubo at this time mas marami ng dugo ang lumabas sa bibig ko.

"Belle, I'm sorry. Nahuli ako. Love, please huwag ka ng magsalita. Don't leave me. Keep your eyes open, love. Malapit na ang ambulansya."Alas held me tightly on his arms, frantically and crying.

"I-I'm sorry, love. I don't think I c-could make it..."nanghihina akong napailing. Halos hindi ko na makita ng klaro ang mukha niya dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo nanaman.

"Love, don't say that. Please."his voice cracked."FUCK! WHERE'S THE AMBULANCE! TANGINA!"

"A-Alas, n-natatakot ako. A-ayoko pang mawala k-ka. G-gusto ko p-pang makasama k-ka."nahihirapang saad ko.

"Huwag kang matakot. Hindi ka mawawala. Hindi ko hahayaang mawala ka, love. Please hold on. Please don't die on me."he begged, crying. I could here his loud sobs. I feel like my world is crashing right next to me.

"I love y..."and I don't know what happened next.

I don't know if he will listen to me. I'm not a saint either a good girl. But, Lord I want to spend more time with him. Gusto ko pa siyang makasama at magkaroon kami ng pamilya.

Please don't take me that soon. Hindi ko pa naipaparamdam kay Alas kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako kasaya na minahal niya din ako.

Please I want to live. If you could hear me. Please let me live. I want to be with him. I love him so much. Please.

Those are the words I remembered praying when I was in the operating room at nag-aagaw buhay. I don't remember clearly what happened before I got shot. Pero ang sabi nila si Michelle ang bumaril saakin. Tom tried to stop her pero nabigo ito. He passed away trying to protect me. At hindi ko inaasahan na ibubuwis ni Tom ang buhay niya para saakin.

Samantalang nahuli naman agad ng mga police si Michelle, sinubukan niyang manlaban pero nabigo din sa huli.

"Stable naman na ang kalagayan ng pasyente. But we will advise the patient to stay here for a week. Magsasagawa pa kami ng ibang examination sa pasyente just to make sure she's doing fine."I heard an unfamiliar voice. Nang magmulat ako ng mata ay wala na ang lalaking nagsalita kanina.

Bumungad saakin ang mga mukha nilang puno ng pag-aalala.

"Belle, anak...si mama 'to. How are you feeling? Thank God you're awake!"mama said, nakangiti ito pero umiiyak.

"M-Ma..."

Tumango ito hanggang sa napahagulgol na."Yes, sweetie. Andito na si mama. Andito na kami ng papa mo."

"Ma..."binasa ko ang labi ko at muling bumaling kay mama."Mama, I'm sorry po."I cried."Sorry po kung naging pasaway ako sayo noon."

"Ang anak ko..."naiiyak na yumakap saakin si mama."Mahal na mahal kita. Mama will do and give everything for you. Nag-iisa ka lang naming anak, Belle you mean everything to us."maramdaming sabi ni mama kaya mas lalo kaming naiyak na dalawa.

While I was sleeping bigla ay parang nagflashback saakin ang lahat. Hindi ko alam kung bakit pero siguro ay dahil muntik na akong mamatay?

Tahimik lang si papa nang balingan ko siya. Yumakap siya sa amin ni mama pero kahit wala siyang sabihin alam kong parehas lang sila ng nararamdaman ni mama lalo na ng makita kong pumikit si papa at may tumulong luha sa mata niya.

Pagkatapos kong yakapin sila mama ay tinignan ko naman ang isang taong kanina pa tahimik.

"Iiwan muna namin kayong dalawa..."pinunasan ni mama ang pisngi niya at nakangiting nagpaalam saakin.

Marahan at nanghihina akong tumango kay mama."T-Thank y-you."then they left the room.

Alas didn't even move. It was like he was rooted in his place. Nakatitig lang siya saakin at punong-puno ng emosyon ang mga mata niya.

I swallowed the lump on my throat before I spoke his name."Alas..."

Pagkasabing pagkasabi ko ng panalan niya ay parang salamin siya na nabasag. He broke down in tears. I'd never seen him cry like this.

Parang nanginginig pa ang mga tuhod nito ng lumapit saakin at umiiyak na yumakap.

He is crying so hard. Hindi ko alam kung para saan iyon? Ligtas naman na ako at gising na. Kaya bakit pa siya umiiyak?

"Alas, why are you crying?"nalilitong tanong ko.

"Love..."isinubsob niya ang mukha sa leeg ko."I thought that's the end for us. Nakita kong binaril ka sa harap ko mismo. I tried to save you but the distance between us...I-I didn't make it. Parang gumuho ang mundo ko ng makita kita sa gaanong ayos. Puno ng dugo. I was never scared in my whole life pero habang yakap kita kanina at duguan ka..."he trembled. Para bang natrauma siya sa nasaksihan."I beg God to save you. At nangako akong mamahalin kita at hinding-hindi kita sasaktan. Thank God he heard my prayer."nag-angat siya ng mukha saakin at pinugpog ako ng halik ang buong mukha ko.

"Yeah. I thanked God too."I smiled weakly at him.

"And thank God our baby is safe too."he said.

Beast in MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon