Chapter 15
"Paalala ko lang, Teron be careful next time. Alam mo namang delikado pag inaatake ka ng allergy mo e."naiiling na bilin ko sakanya.
He wiggled his eyebrows, chuckling.
"Text me when you got home. Just to make sure na okay kana talaga. O kaya dumaan ka kaya muna sa hospital?"concern na suhestyon ko sakanya.
"Okay na ko, Belle. Hindi na kailangan dahil nakainom nanaman na ako ng gamot."he told."Grabe mag-alala si mommy. Pakiss nga."biro niya. Yumakap siya saakin at pabirong hinalikan ako sa pisngi.
Napaayos lang kami at napatabi ng biglang may tumikhim sa likuran ko.
Paglingon namin sila Alas at Michelle pala. Mukhang paalis na din sila.
"Aalis na kami, Belle."paalam ni tita Dana na nasa likuran pala nila Alas.
"Ah, sige po tita. Ingat po."mula kila Alas ay nalipat ang atensyon ko kila tita Dana.
"We will. Welcome back ulit."
"Thank you po."ngumiti ako."Ingat din po kayo sa pagmamaneho, tito Nikov."
"Salamat, Belle."
Paalis na sana sila ng huminto si tita Dana."At oo nga pala bago ko makalimutan. Pinaadvance ko ang birthday party ko. Punta ka sa bahay mamaya ah? Isama mo na din si Teron as your date. Hijo,"sabay baling ni Tita Dana kay Teron."Sana ay makapunta ka."she smile at Teron.
"Sige po, Ma'am."magalang na sagot ni Teron.
"Just call me tita Dana. Boyfriend ka ni Belle kaya hindi ka na din iba saakin."marahang sabi ni tita Dana sakanya.
Kita ko naman ang pag-ngisi saakin ni Teron dahil doon na tila nang-aasar.
Mukhang enjoy na enjoy siya sa pag-aakala nila na boyfriend ko siya. Umiling na lang ako at pinalampas na lang iyon.
Nang makaalis na sila tita Dana ay nagpaalam na din si Teron.
"Si Teron na ba ulit?"si Mish.
"Huh?"nilingon ko siya.
"Iyong pag-aalala mo kanina hindi basta alalang kaibigan lang e."she said with a hint of malice in her tone.
"Well...gwapo si Teron at mabait. Impossibleng hindi magkagusto sakanya ang isang babae."I smiled.
"OMG! So confirm?"kinikilig na tanong niya.
"Wag kang maingay!"natawa ako sa reaction niya.
"E how about Alas?"she asked."Hindi ka ba nagulat na pinaayos na niya ang mukha niya? I mean he's not ugly anymore. He don't look like a beast and he already had a girlfriend."
She's right. Nagulat ako ng makita ko si Alas kanina at muntik ko ng hindi makilala. Pinaayos na nga niya ang mukha niyang nasunog at may bagong buhay na siya.
"Matagal na iyon. I'm sure we all moved on."I replied.
"Hmm."
Pagbaba ko sa hagdan ay nandoon na si Teron. Mukhang kanina pa naghihintay saakin.
"Teron,"
"Belle, wow! You look gorgeous! A princess to be exact!"he complimented.
"Thank you. At para ka namang prince charming."natatawang biro ko.
"Yeah. I guess that means bagay tayo."he winked at me.
Mas lumakas ang tawa ko at inaya ko na siya na umalis kami.
BINABASA MO ANG
Beast in Me
RomanceBeast Series #1 Ace Alford Adams was kidnapped and his pretty face was burn. Simula nuon nagbago na ang mundong ginagalawan niya. He is no longer the handsome prince charming, he is now the Beast and where is his Belle?