Chapter 8

2.7K 110 13
                                    

Chapter 8

"Wow! Ang ganda dito!"namamanghang komento ko ng dumating na kami sa beach resort na tinutukoy ni Helios.

"Where's Neon and Dylan?"agad na hanap ko sa dalawa at nilingon si Helios. Siya ang nagbitbit ng gamit ko. He insisted. He's really a gentleman. Mga klase ng tipo ng lalaki na pinapangarap ng kahit na sinong babae. And Alas...is far from like Helios. Far from being a prince charming. Hindi ko nga alam kung paano siya napabaling sa grupo nila Helios when obviously you can easily spot the difference.

Napangiti siya at tumango saakin."Baka nasa kubo? Pumunta muna tayo sa mga hotel room natin para ilagay ang mga gamit natin pagkatapos sunod na tayo doon sakanila."aniya.

"Sige!"

Magkatabi lang kami ng room hotel number ni Helios. Nang bumukas ang elevator ay nakita ko si Alas sa may lobby pero ako hindi niya napansin dahil nasa iba ang atensyon niya or is he spacing out? Hindi siya mag-isa dahil napapalibutan siya ng mga tao. Nakilala ko naman ang mga iyon na mga kabatch nila!

"You actually came, Ace!"isang babae ang naiiling na ngumisi.

Pagkatapos sinundan nila iyon ng nang-iinsultong mga tawa nila.

What is going on? Wala naman sana akong pake kung ano man ang mga trip nila sa buhay at hindi ko na papansinin but it was Alas. Si Alas ang pinag-uusapan dito. Somehow I felt emotion...I don't know why I'm feeling. Nagagalit ako sa mga taong iyon na binubully si Alas.

Damn! Fight back, Alas!

"What are you doing here, Ace? You're just gonna ruin this class reunion."one of them said, insultingly.

"Wait! I heard Ace got a girlfriend. Where is she, Ace? Hindi mo ata kasama ang girlfriend mo?"the girls giggled.

"Baka nahihiya na kasama siya kaya hindi na sumama dito."muling napuno ng tawanandahil doon.

"O baka binayaran niya lang ang babae para maexperience naman niyang magkaroon ng girlfriend?"mas umingay ang paligid at mas madaming tao na ang nakikiusyoso kahit mga ibang turista ay napapalingon na din sakanila samantalang nanatili lang doon si Ace na nakatayo at walang emosyon ang mukha.

What is he thinking!? Bakit hindi pa siya umalis doon?

"Speaking of that! Naalala ko iyong sakanila ni Michelle? Remember her dare? Grabe! Hindi ko akalain na kakagat si Alas doon. And she really won the deal. Big time!"

"Oy! Michelle! Nagkiss ba kayo?"sabay lingon nila sa isang babae. Matangkad at maganda ito. Parang nahiya naman ang tinawag nilang Michelle at pilit na nagtatago sa gilid pero may isang babae ang humila sakanya papunta sa harap, papunta kay Alas.

And who is that bitch? The sight of Alas and that bitch is making me annoyed. Nakakairita. Sinong nagsabi sa babae na iyan na puwede siyang dumikit kay Alas?

"Ano ba! Ang tagal na nun. At nakakahiya!"Michelle said, embarrassed.

"Grabe kinakahiya mo bang naging boyfriend mo si Alas?"kantyaw nila.

"Sabagay kung ako din naman mahihiya din ako e!"may kung sinong sumigaw nun.

Ugh! They're too much! I can't just stand there and watch them humiliating Alas!

Pero ano nga bang pake ko sa pangit na iyon? Dapat nga ay matuwa pa ko sa nangyayare sakanya ngayon! Lalo na at pagkatapos ng ginawa niya saakin sa bar the other night! Nagalit siya basta-basta saakin kahit na wala naman akong ginawa!

But damn it! Pakiramdam ko kailangan ako ni Alas at hindi ko kayang manuod lang dito.

"Belle, san ka pupunta?"Helios asked me. Napatigil ako saglit at nilingon ko siya kita ko ang pagkagulat sa mukha niya ng humarap ako sakanya.

Beast in MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon