Chapter 3
"Hindi na namin tatanungin kung kayo na ba dahil pagkatapos nang nasaksihan namin sa kuwarto mo, Belle." Papa faked a cough. "It's clear and obvious."
Nakagat ko ang labi ko at bumaling kay Alas.
Si Alas ang madalas sumagot sa mga tanong ng magulang namin dahil hindi ko talaga alam ang isasagot sa mga tanong nila ngayon. Daig pa nila ang isang talkshow kung makapagtanong at mang-usisa saamin. Isa pa hindi ko din naman kayang magsinungaling kila mama at papa.
"Anong plano niyo ngayon?" tita Dana asked us. "Siguro dapat magpapresscon kayo para tumigil na ang mga nakikicomment sa buhay niyo."suhestyon niya.
"I'm still waiting for Belle's decision. I don't want to ruin her career, ma." bumaling saakin si Alas.
"Hays!" si mama. "Ewan ko ba naman kasi kay Belle at hindi pa umalis sa showbiz na iyan at magfocus na lang sa kompanya." umiiling na sabi ni mama kay Alas.
"That's my plan, mama." I sighed. "May kakausapin lang akong mga tao dahil hindi naman po ako puwede basta umalis dahil may kontrata pa po ako. May movie ako at hindi pa nasisimulan ang taping nun."
I was also planning to quit modelling. I guess this is the right time.
Tumango si mama na tila sang-ayon sa desisyon ko. "Kelan kayo magpapapresscon? Sana mas maaga para matapos na ang mga espekulasyon sa inyo ng mga tao."
"Opo, mama. Bukas po ay aasikasuhin ko po." sagot ko.
"Ace, I trust your words. Take good care of my daughter. Kung ibang lalaki ang nakita kong kasama ni Belle habang ehem gumagawa ng milagro sa mismong kuwarto niya hindi ko alam ang magagawa ko. Baka nasa kulungan na ko ngayon o baka isubject ko sa experiment ang lalaki na iyon." seryoso si papa habang sinasabi ang mga iyon kaya hindi ko mapigilan ang mapalunok. "Pero hindi ka na iba sa pamilyang ito. Parang anak na din ang turing ko sayo. Sana sa susunod ay maglock naman kayo ng pinto." Papa sighed.
Humagalpak si mama at tita Dana ng tawa samantalang ngumisi lang saamin si tito Nikov.
"Mga kabataan nga naman. Masiyadong mapusok ayan tuloy nakalimutang maglock ng pinto!" tita Dana's remarked.
Napanguso ako at namula sa sinabi niya.
"Ma. It won't happened again." iling ni Ace na parang pinapatigil na ang ina niya. But I know tita Dana she won't stop.
"Anong it won't happened again? Iyong nahuli kayo o iyong pagmamake out niyo?" she asked, grinning from ear to ear.
"Both." Ace answered firmly. Parang napipikon na sa pang-aasar ng ina.
Kaya mas lalong natawa si tita Dana. Tila sayang-saya sa reaction ng anak na halatang iritado at nagtitimpi lang.
"Sus! Gigil na gigil ka nga, anak!" Tita Dana smirked. "Alam mo ba, Belle, itong si Ace patay na patay na talaga iyan sayo nuon. Mabuti nga at kumilos na ng kusa e akala ko kailangan pa naming gumawa ng paraan ni Nikov." tumatawang pambubuko ni tita Dana sa anak.
"Ma!" medyo tumaas na ang tono ni Ace. Napatuwid na din siya sa kinauupuan niya ngayon.
"Talaga po?" gulat na komento ko naman. Talagang nagulat ako dahil hindi ko alam iyon. I mean hindi ko inaasahan kay Ace. Ang sungit niya saakin at ang ilap tapos ngayon...
"Oo, inaanak!" tumatawang sagot ni tita Dana saakin."Torpe lang ang anak ko kaya ngayon lang kumilos." then she winked at me.
"I'm not a coward, ma." madiin na tanggi ni Ace. Sumulyap siya saakin at ngumisi naman ako sa kaniya nang makita niyang ganoon ang reaction ko ay tinaasan niya ako ng kilay at biglang nagsungit nanaman ang pangit! Napahagikhik ako.
BINABASA MO ANG
Beast in Me
Любовные романыBeast Series #1 Ace Alford Adams was kidnapped and his pretty face was burn. Simula nuon nagbago na ang mundong ginagalawan niya. He is no longer the handsome prince charming, he is now the Beast and where is his Belle?