Chapter 4
"So you mean to say you were attracted to him? Physically?"Mishell laugh after. Napasimangot naman ako at dumapa sa kama ko habang kausap siya sa video call.
"I don't know, Mish."umirap ako."Ang dami-daming lalaki naman diyan bakit sa pangit pa na iyon!"himutok ko.
Mas lalong natawa si Mishell dahil doon.
"What would you do then? Kung hindi ka nakakaramdam ng ganyang attraction sa ibang lalaki then why don't you keep Ace by your side? Malay mo pag tumagal magsawa ka din sakanya?"
Saglit akong natigilan at napaisip."What is it that you're trying to say?"I asked her.
"Belle, what I mean is make a deal with Ace. Kung talagang curious ka kung bakit ganon ang nangyayare sa tuwing maglalapit kayo ni Ace then why don't you ask him to be your boy toy?"she suggested.
"Boy toy? My God, Mish! Kahit nga ata janitor sa kompanya namin ay hindi siya papasa dahil sa kapangitan niya e. Mas may itsura pa ang janitor namin sa kompanya kaysa kay Alas! At no way! Boy toy? Yuck! Eww! No fucking way!"parang kinilabutan ako sa naisip na ideya ni Mishell.
"Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginawa mo saakin, Alas."panimula ko samantalang nakatitig lang siya saakin at naghinintay na magpatuloy ako sa sasabihin ko."But you're making me feel so weird about myself, Alas. Like I'm not in control of my body. And I am so fucking curious why? Bakit sa isang katulad mo pa na pangit! You see? Hindi ko matanggap. That's why I'm offering you to be my boy toy I mean my boyfriend. Tutal iyon na din naman ang alam ng mga magulang natin panindigan na lang natin hanggang sa makaisip na tayo ng permanenteng solusyon para mapaliwanag sa magulang natin ang nangyayare. I'll get straight to the point. I am attracted to you physically. But I don't like you. My God! Parang gusto kong masuka! I like the feeling when our skin touches. I like the feeling of your lips pressed against mine. But I don't like you. And I want this thing to vanish as soon as possible. So what do you think?"
"You're that overconfident to asked me to be your boyfriend huh, Belle?"patuyang tanong niya na bahagya naman akong napaatras dahil doon. Parang nakaramdam ako ng hiya. Pero agad ding nawala iyon. At bakit ako ang mahihiya? Hindi siya lugi kung ako ang magiging girlfriend niya in fact para pa siyang tumama sa lotto pag nagkataon.
At kelan pa ko natinag sa pangit na ito!
I am fucking curious and that curiousity is killing me. I've dated a lot of boys. Pero wala akong naramdaman sakanila katulad ng attraction na meroon ako para kay Alas ngayon at iyon ang gusto kong malaman kung bakit?
Am I really attracted to him physically? Why and How? Ang pangit pangit naman niya! At hindi pa ko bulag para hindi makita iyon! Kaya bakit siya pa? Is this my karma? Oh God please no! Don't ruin my standards in men.
Bata palang ako I always dream about finding that prince charming, iyong spark, connection katulad ng mga napapanuod ko sa disney movies...pero lumaki ako at nagkaroon ng mga boyfriends pero ni isa sakanila ay hindi ko naramdaman ang mga iyon and then this ugly creature came in the picture.
HINDI KO LANG MATANGGAP NA BAKIT SI ALAS PA! Nilalait-lait ko lang siya dati tapos ngayon nababaliw na ako sa halik niya!
"Yes. I am that overconfident, Alas. Atsaka sino naman ang babaeng magooffer sayo na maging boyfriend ka?"tinaasan ko siya ng kilay na parang hinahamon ko."Mayaman ka pero pangit ka pa din. Kahit siguro jowain ka na lang nila para sa yaman mo ay baka sumuko na din sila sa huli at hindi maatim na magpanggap na mahal ka."nakangiwing panglalait ko. It comes naturally, ang panlalait ko kay Alas.
Pero kahit na anong panlalait ang gawin ko kahit kelan hindi ko nakitang naapektuhan nun si Alas.
"Ikaw."he answered.
"What?"
"Tinatanong mo ko kung sinong babae ang magooffer saakin na maging boyfriend ako."he explained.
Doon na ako naliwanagan. Shit talaga 'tong pangit na to e!
"Whatever! So ano? Your answer?"inip na tanong ko sakanya.
Sumimsim siya sa kape niya at napairap naman ako dahil ang tagal pa sumagot. Paspecial e pangit naman.
"Fine. Pumapayag na akong maging boyfriend mo."he sighed as if he got no choice.
Pangit talaga!
"Great decision! Iyan na siguro ang pinakamagandang desisyon na nagawa mo sa buhay mo, Alas!"I smiled widely at him.
Ang kapal naman ng mukha niya kung tatanggihan niya ako.
Napailing ako sa naisip.
After that ay tahimik na kaming nagdinner. Anyway hindi ko naman siya gustong kausap o kahit na makasama.
"Belle? Oh! Belle, it's really you! Long time no see!"napatayo ako ng makilala ko kung sinong lalaki ang lumapit sa table namin ni Alas, si Tom isa sa ex-boyfriend ko. Wala pa ding nagbago sa lalaki. Ang gwapo pa din. Mga tipo ko. Napangisi ako dahil doon.
"My bad. May kasama ka pala."sabay lingon ni Tom kay Alas.
Pati ako ay natigilan. Nakalimutan ko si Alas.
"I'm Tom, you are?"
"Ace."tipid na pakilala ni Alas kay Tom. Tumayo na din si Alas at doon ko napagtanto na mas matangkad pala si Alas kay Tom. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko napansin na matangkad pala talaga si Alas.
"Oh."tumango si Tom at nabaling muli saakin ang atensyon."Your boyfriend?"he asked me.
"What?"bahagya akong natawa sa tinanong niya."Of course not."naiiling na sagot ko.
Mahinang natawa si Tom at sunod-sunod na napatango."Ang akala ko..."sinadya niyang bitinin ang sasabihin pero nakuha ko naman agad ang pinupunto niya.
"He's not my type."I chuckled.
Nang mawala si Tom ay muling tumahimik ang table namin ni Alas pero ilang saglit lang ay nabasag ang katahimikan ng magsalita siya.
"Hindi ko alam na ganon ka pala kabilis makalimot na may boyfriend ka na pag may poging lalaking nasa harap mo."pang-uuyam niya saakin.
Nilingon ko siya at iritadong tinignan. "Ano ka nagseselos? May I remind you about our set up."pagpapaalala ko sakanya.
"Hindi ako nagseselos but atleast respect me, Belle. Pumayag ako sa gusto mo kahit na unfair ito sa parte ko."
"What do you mean?"
"I'm not stupid, Belle. Pangit ako pero hindi ako tanga. You only want my body and the things that only I can make you feel. Wala namang kaso saakin iyon kahit inanusyo mo pa na boyfriend mo ko pero nakikipaglandian ka pa din sa iba. That's fine. Ang saakin lang sana naman kapag nasa harap mo ko huwag kang lumandi at umakto na hindi mo ko boyfriend. You're really hurting my ego too, Bellarina. I'm still a man. Walang babaeng magkakagusto saakin, alam ko iyon. But don't you really think I can't get what I want? I have billions of money, Belle. Pero hindi ako ganon kadesperado. So don't test my patience. Dahil baka hindi mo magustuhan pag nagalit ako."
"Tinatakot mo ba ko!"I glared at him.
He sigh."No. I'm just telling you."pagkatapos ay tumayo na siya at naglakad palabas ng restaurant.
The nerve!
BINABASA MO ANG
Beast in Me
RomanceBeast Series #1 Ace Alford Adams was kidnapped and his pretty face was burn. Simula nuon nagbago na ang mundong ginagalawan niya. He is no longer the handsome prince charming, he is now the Beast and where is his Belle?