Chapter 20
"What are they doing here?"napatingin kami sa bagong dating na grupo.
Nakita ko doon ang dalawang taong pamilyar na pamilyar saakin. Si Tom at si Michelle.
"Just like us. They are here to party."Margaux grinned when she turn around.
"Ah, maybe we should go to another bar. I don't think it's a good idea na andito tayo sa iisang bar."naiiling na suhestyon ni Mishell na parang hindi mapakali.
"Chill, Mishell."I chuckled."Wala namang problema kung andito sila. Unless they'll make one?"ngumisi ako at muling sinulyapan ang grupo nila Michelle. Nakita kong nakatitig din pala sila sa gawi namin. Nang magtama ang tingin namin ni Michelle ay matamis ko siyang nginitian. She didn't smile though but I was so satisfied with her reaction, na mukhang hindi komportable na andito ako. Well there is no way I'll leave. Bukod sa nauna kaming dumating dito we're also here to party. At dito namin napili.
Ilang sandali pa ay tumayo na ko."Restroom lang ako."paalam ko sa mga kaibigan ko. Kanina pa kami dito at ang paalam ko kay Alas ay hindi ako aabutin ng madaling araw. Gusto sana niya akong samahan pero madami siyang kailangan gawin sa opisina niya kaya hindi ko na din siya pinasama saakin at isa pa bonding namin ito ng mga babae — because last time I told them na babawi ako so here it is.
"Sige. You know what to do just give me a ring if something happen."si Margaux na tinanguan ako.
Tinanguan ko naman siya pabalik at naglakad na papunta sa restroom.
Kalalabas ko lang sa isa sa cubicle ng restroom ng makita ko si Tom sa labas, naghihintay.
Hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa sink para maghugas pero sinundan niya ako doon.
"Belle,"
"What?"asik ko. Kinuha ko ang alcohol sa bag at nilagyan ang kamay ko.
Hindi ko nakakalimutan ang ginawa niya saamin ni Alas noon. Siya ang nagsabi kila papa na wala talaga kaming relasyon ni Alas. Muntik niya pa kaming ipahamak!
He is clearly not over with me. And I hate his type. Mga desperado just like Michelle. Kaya pala hindi nakakapagtaka na nasa iisang circle of friends lang sila.
"Can we talk?"
I gave him a mocking smile."Sorry. Can't."pagkatapos ay iniwan ko na siya doon pero hinabol niya ako.
"Belle!"pagkatapos ay humarang siya sa daanan.
"Ano ba! Get out of my way!"galit na utos ko sakanya dahil sa totoo lang ayoko na siyang makita pa at mas lalo na ang makausap siya.
I'm usually nice with my ex-boyfriends.
I have no hard feelings with all of my exes. Ako ang nakikipaghiwalay at sa lahat ng ex ko itong si Tom lang ang pinaka nakakainis. Dahil sakanilang lahat siya lang ang halos sirain ang pekeng relasyon ko noon kay Alas at muntik pa kong ipahamak sa mga magulang ko.
I really hate guys who chase me. And seems like Tom is one of them.
"Please magusap naman tayo, Belle."he begged.
"Are you out of your mind? Wala tayong kailangan pag-usapn we are done years ago. Move on!"I snapped my fingers in his face as if that's some kind of magic spell na makakapagpabalik sakanya sa katinuan dahil obviously baliw na ang isang ito.
Pero umiling lang siya at madilim ang mukha. Mukha siyang kahina-hinala kaya bigla akong kinabahan. Lalo na ng bigla siyang magwala.
"Hindi! Akin ka! Akin ka lang, Belle hindi ko hahayaang mapunta ka sa pangit na iyon!"galit at gigil niyang sabi at nagulat ako ng itulak niya ako pasandal sa pader at hinawakan ang magkabilaang braso ko.
BINABASA MO ANG
Beast in Me
RomanceBeast Series #1 Ace Alford Adams was kidnapped and his pretty face was burn. Simula nuon nagbago na ang mundong ginagalawan niya. He is no longer the handsome prince charming, he is now the Beast and where is his Belle?
