Chapter 5
"May point naman kasi si Ace, Belle. He's fucking rich. At ano na lang ba ang hindi nabibili ng pera ngayon? Wala. What you did is really disrespectful kahit na hindi naman seryoso ang relasyon niyo. At talagang unfair iyon sa parte niya lalo na pag nalaman ng media na may relasyon kayo. Syempre hindi na siya puwedeng makihalubilo sa ibang babae kung ayaw niyang matawag na cheater sa relasyon niyo."
"Kanino ka ba talaga kampi, Mish!?"iritableng tanong ko sakanya.
Mahina siyang tumawa."I'm your bestfriend. At nagbibigay lang ako ng honest opinyon ko noh!"
"Whatever. I really hate him!"I snorted.
"But you like it when his skin is all over you."she chuckled.
Hindi ako nakasagot kasi tama naman siya.
Kaya mas lalong lumakas ang pagtawa niya.
"Try mo kasing magpakabait. Just try to get on his good side."
"I don't know if I can do that. Hindi ko mapigilan ang magtaray pag andiyan siya."I shrugged my shoulders.
"Puwes pigilan mo!"
"Hi."bati ko kay Alas ng lumabas siya ng meeting room nila.
Mukhang nagulat pa siya ng makita ako sa kompanya nila. Samantalang matamis ko naman siyang nginitian.
"What are you doing here?"he asked coldy.
"Binibisita ka."hindi ko mapigilan ang mapanguso.
Hindi ako puwedeng magtaray! I have to make it up to him. I'll try to be on his good side para naman makabawi ako sa nangyare noong isang araw sa restaurant.
"Go home. I'm busy, Belle."naiiling na pagtataboy niya saakin.
"But!"habol ko sakanya ng magsimula na siyang maglakad papunta siguro sa office niya.
"What do you need?"he asked. Ang bilis niyang maglakad is he in a hurry?
"You."
Awtomatiko siyang napahinto at kunot-noong nilingon ako. Pati na ang secretary niya ay nalilito na nakatingin saamin.
"Date tayo."pag-aaya ko, matamis akong ngumiti sakanya.
"I told you I'm busy."napawi ang ngiti ko at napanguso.
"I know. Hindi ko naman sinabi na ngayon mismo. Puwede namang mamaya?"I grinned at him."And can I stay in your office too?"
"What?"
"Please?"yumakap ako sakanya at nagpout.
"F-fine!"marahan niya akong itinulak at niluwagan ang suot na necktie. Nang muli niya akong tignan ay parang sinusuri niya ko.
"Really? Yey! Thanks!"pagkatapos hinila ko na siya papasok ng office niya.
His office is so spacious...neat and clean. Halatang lalaki ang nagoopisina. Ang ganda ng paligid siya lang talaga ang pangit. Napailing ako sa panlalait na naiisip sakanya.
"Don't tell me you're staying here all day? Don't you have other plans, Belle?"he asked, sighing.
"I plan to stay all day here."I turn around and smirked at him. Pagkatapos ay kumandong ako sa hita niya."And you know what, Alas. I've missed you."sinadya ko pang palambingin ang boses ko.
He remained cold and grumpy.
"We're here in my office. Get out of my lap, Belle."he ordered.
Pero sa halip na sundin ko siya ay ngumuso lang ako at inihilig ang ulo sa dibdib niya.
"Sana gabi na agad para magdate na tayo."I yawned.
"If you feel sleepy then go home, Belle."he sighed.
"Hmm, I don't want to go home atleast we're done with our date today."inaantok na sagot ko.
Hindi ko siya nakita ng 2 days. And I kind of miss his presence kahit pangit siya. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos at ngayon ay inaantok ako.
"I have lots of papers I need to sign. And I have tons of works today."he said.
"I know. Hihintayin na lang kita."kibit-balikat na sinabi ko sakanya.
"But I can't work if you're sitting on my lap."naiiling niyang sinabi at nagpakawala ng buntong hininga na parang nauubusan na siya ng pasensya.
"Hmm,"umayos ako ng pagkakaupo."Uwi na tayo."I pouted even more.
"I can't go home. It's just 2PM. Mamayang 8PM pa ang uwi ko."naiiling na sagot niya saakin.
"Bakit ang tagal? Uwi na tayo, Alas. I'm sleepy. Can we cuddle?"I asked, still pouting.
"I'm working, Belle. Nakakaabala ka."he said coldly.
Wow! Talagang nakakaabala ako? Inirapan ko siya at padarag na tumayo sa pagkakaupo sa hita niya.
"I'm leaving."inayos ko ang damit ko na nagusot at kinuha na ang bag ko na nakapatong sa table niya.
"Where are you going?"he asked.
Nilingon ko siya at kinindatan."Secret. Ciao!"pagkatapos ay lumabas na ako ng office niya.
Baka kung hindi pa ko lumabas ay nalait ko na siya doon. Sumusobra na siya! Nakakainis na siya! Ang arte e ang pangit naman! Tse!
Napabuntong hininga ako ng makasakay sa elevator.
Uuwi na lang muna ako at inaantok talaga ako.
Pagdating ko sa parking lot ay nagulat pa ko ng makitang andoon si Alas.
What is he doing here? Hindi ba iniwan ko siya sa office niya kanina?
"Alas? Anong ginagawa mo dito?"takang tanong ko.
"You said you wanted a date?"tila iritado niyang tanong. Parang wala sa mood.
"Oo nga pero diba busy ka?"I asked him back.
"Magdate na tayo."hindi niya ako sinagot."We'll use my car."he added.
"Okay."I smiled victoriously.
Kahit si Alas ay hindi kayang tiisin ang isang tulad ko. Mas lalo akong napangiti dahil doon.
"Sa tingin mo nakuhanan ng mga paparazzi ang date natin kanina?"I asked him while we're on our way home.
Noong kumakain kami kanina sa isang cafe ay may paparazzi na nakakita saamin. Siguro sa mga oras na ito ay kumakalat na ang balitang nagdedate kami ni Alas.
"Guess so."walang gana niyang sagot.
Like what we expected the issue of Alas and I making out in public died down. May bago na kasi sila ngayong pinagkakaabalahan...at iyon ang paglabas namin kanina ni Alas.
A lot of my circle of friends dm me and even called me asking if it's really true.
Of course kung ako hindi makapaniwala mas lalo na sila. Sino bang magsasabi na idedate ko ang pangit na iyon!
If it weren't for what he makes me feel...I won't fucking date him. Mabuti nga at tuwing kumakain kami sa labas ay hindi ako nawawalan ng gana dahil pangit ang kaharap ko.
I am so curious and bothered. Why am I reacting like this when Alas is around. Why is my body reacting that way when Alas is near me.
"Belle,"napalingon ako kay mama. Nakangiti akong lumapit sakanya at niyakap siya."Mama."
"Kumain kayo sa labas ni Ace?"she asked, mukhang masaya dahil doon.
"Ah, opo."sagot ko.
Marahan siyang tumango saakin."Masaya ako na nagkakasundo kayo ni Ace, Belle. You see Ace is a good man. Gusto ko ang batang iyon."malumanay niyang sinabi.
Samantalang hindi ko naman napigilan na pasimpleng mapangiwi.
Hindi ko alam kay mama pero mukhang botong-boto siya kay Alas. Gusto niya bang magkaroon siya ng apo na pangit? Mas lalo akong napangiwi dahil doon. Kasi ako hindi ko gustong magkaroon ng pangit ng anak. Siguradong lalaitin lang siya ng lipunan at ayokong magdusa siya pag nagkataon.

BINABASA MO ANG
Beast in Me
RomanceBeast Series #1 Ace Alford Adams was kidnapped and his pretty face was burn. Simula nuon nagbago na ang mundong ginagalawan niya. He is no longer the handsome prince charming, he is now the Beast and where is his Belle?