Chapter 14

2.9K 82 1
                                        

Chapter 14

"Are you sure you're really leaving?"hindi ko alam kung pang-ilang beses ng tanong ito ni Helios saakin kaya naiiling na napangiti ako sakanya."Yes. One hundred percent sure."sagot ko.

"You know you don't have to do this, Belle."umiling siya."Hindi ka naman sinisisi ni Alas sa nangyare."

"I know. But I still feel that it was my fault. Kung hindi ko siya pinilit noon na tumakas kami hindi siya magkakaganon."I smile sadly."Ngayon na nakakaalala na ako ay parang wala na akong mukhang maihaharap pa sakanya."

"Belle, kausapin mo kaya muna si Alas. Nagpapagaling pa siya sa hospital. Baka puwedeng hintayin mo siya."pakiusap ni Neon saakin.

Pagkatapos maaksidente ni Alas ay inadvice ng doctor na manatili siya sa hospital ng isang linggo.

"Hindi na. I'm leaving."buo na ang desisyon ko."Atsaka magtratraining ako doon para mas lalo kong mamanage ang company namin kapag ibibigay na saakin ng magulang ko ang posisyon ng pagiging CEO."

"Babalik ka pa ba?"malungkot na tanong ni Dylan.

Mahina akong natawa dahil sa mga reaction nila.

"Oo naman. Isang taon lang ako doon. Pag balik ko ay tatawagan ko agad kayo para lumabas tayo."I winked at them.

Malungkot silang tumango saakin at parang hindi gumaan ang loob nila sa sinabi ko.

"Babalik ako. Kaya huwag na kayong malungkot diyan."I told the boys.

"Susunod ako sayo doon, Belle."si Mishell. Napalingon ako kila Mishell at Margaux.

"I'll visit you there."si Margaux, sabay sulyap kay Neon.

Tumango ako sakanilang dalawa.

Alas, I'm really sorry for everything. Pero sa pag-alis kong ito may narealize ako at sa tingin ko baka hindi ko na ito masabi pa sayo.

"Hi, Belle!"

Napatingala ako at nakita ko ang bagong dating na si Teron.

"You're late."nakasimangot na sabi ko sakanya.

Napangiwi naman siya dahil doon.

"Sorry. Got a hectic work."he reasoned out.

"Biro lang."I laughed when I see his reaction. Who looks terrified.

Hindi ko alam na magkikita kami ni Teron dito sa France. He's a freelance model at may one year contract siya dito. Tignan mo nga naman ang pagkakataon.

Noong unang kita namin ay hindi ko agad siya pinansin, galit ako sakanya dahil nasaktan ko si Alas dahil sa ginawa niyang paghalik saakin noong lasing siya sa bar. Pero kung hindi dahil sa nangyareng iyon hindi babalik ang ala-ala ko.

At ilang buwan ding humingi ng tawad saakin si Teron at halos araw-araw iyon hanggang sa pinatawad ko na din siya dahil nakulitan na ako at ayoko ng makita ang pagmumukha niya.

But when I told him I forgive him. Mas lalo siyang bumuntot saakin hanggang sa napagod na lang akong itaboy siya.

Teron is a good man iyon ang masasabi ko sa loob ng isang taon na nakasama ko ito. He's dedicated to his work. Ang alam ko nagbabalak siyang magtayo ng negosyo at gusto niya akong maging business partner at pumayag naman ako doon.

Si Mishell naman ay umuwi last month sa pilipinas. Dapat ay sasabay na din ako sakanya dahil tapos na ang 1 year training ko dito pero nadagdagan pa ng 1 month ang stay ko dito.

Teron just tsk-ed and smile playfully.

"Bukas na ba ang flight mo? I get the same ticket with you kaya sabay na tayo bukas."he told me happily.

Beast in MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon