01

73 9 3
                                    

I heard a doorbell downstairs, for sure si Madie yon, my bestfriend for life. She texted me a while ago na pupunta siya dito sa bahay at may surprise daw siya.








I immediately go down to open the door. Kaming dalawa lang ng kapatid ko ang tao dahil nasa work sila Mama. Hinug agad ako ni Madie pagkabukas ko ng pinto.









"Namiss kita, Madielynn Mae!" I chuckled. Sumimangot agad siya sa pangaasar ko.












"Sige Charmira! Asarin mo pa ko at hindi ko ibibigay ang regalo ko sa'yo." She evily laughed.











"Ay, hehe. So ano nga ang pinunta mo rito 'te?" I pursed my lips. Hindi ko alam ang okasyon kaya hindi ko mahulaan ang surpresa niya. Jowa kaya?













"Ticket, siz! Bumili ako ng ticket ng fanmeet ni Dave, malapit lang e sayang naman." She smiled.










"Saan yan?" Para akong batang binigyan ng laruan. Ikaw ba naman makita ang isang Dave Marco Garcia sa personal? May chance rin na makausap ko siya if ever!













"Bakit excited ka? 'Di ko naman sinabi na yan ang regalo ko sayo ah?" Agad naman kumunot ang noo ko, gustong gusto ko na siya sabunutan kaso baka magbago ang isip niya sa fanmeet.











Kaya binatukan ko nalang siya.












"Aray ha! Charot lang naman e. Siyempre kasama ka ikaw yung fan diba? Boba." Sinamaan naman niya ako ng tingin.












"Ay, perfect! Kaya mahal kita Mads e! Donchuworry, ipagdadasal ko talaga na magayuma mo si Gab." Si Gab, ultimate crushie niya since first year. Hanggang ngayong Senior High na kami. Ewan ko ba kung bakit niya nagustuhan yon. Isa siyang sikat sa social media. Bestfriend ni Gab si Dave, isa na rin siguro sa dahilan kung bakit sumikat si Gab.







Si Dave naman, he's from a Showbiz Family kaya hindi na nagulat ang mga tao noong nilaunch siya ng network. Childhood Star siya dati pero nagquit ata para magaral. Noong bumalik, naging mabango ang pangalan niya sa mga kabataan. For now, he only do guestings, extras, and some non major projects. Hindi pa siya ganoon kainit sa mga mata ng tao kapag nakikita sa public places. Ang alam ko nga ay nagala pa 'yun around dito sa Sta Rosa dahil taga dito lang rin siya. Hindi ko alam kung saan at hindi ako interesado dahil privacy na 'yun.











"Ayan! Ganyan ka te.. Ngayon mahal mo ko bukas hindi! Plastic." Tinawanan ko nalang siya sabay halik sa pisngi at tinaboy na paalis ng bahay. Joke.










11am umalis si Madie dito sa bahay kaya naman nagluto kaagad ako ng Tanghalian dahil maaga din umalis sila Mama pero hindi sila nagiiwan ng ulam pangkain namin.











Ako na ang tumayong ina ni Kayla kahit buhay pa naman ang mga magulang namin. It's just that kahit andyan sila hindi namin ramdam na may magulang kami. Masyadong busy ang mga parents namin sa pagpapatakbo ng Botique at Water Station. Kahit dalawa ang business namin hindi parin kami ganoon kayaman. Middle Class lang. Hindi naman ako nagrereklamo sa ganitong buhay namin, kuntento na ako basta maayos ang buhay ko at ng kapatid ko.










Bumalik lang ako sa katinuan ng sigawan ako ni Kayla. "Ate, yung Tilapia mo naging uling na!" Doon ko lang namalayan na nasunog ang pinprito kong Tilapia.. My gosh Charmira!









The Man of my DreamsWhere stories live. Discover now