Dinala kami ni Dave sa isang unfamiliar na lugar pero maraming puno. It looks so relaxing. Sa tagal tagal ko na sa Laguna, ngayon lang ata ako nakapunta rito. Nakakagulat dahil malapit lang rin naman 'to samin.
"This is Sta Elena Fun Farm." What? I heard na mahal daw ang entrance dito. Mukhang sa mga gala lang mapupunta ang binigay samin ni Papa. Plano ko pa namang ipunin 'yon pero.. Mukhang mageenjoy naman kami dito.
"Wow." Tanging yun lang ang nasabi ko dahil masyado akong overwhelmed sa paligid. Hindi pa ako nakakapunta sa mga ganitong nature places.
"Grabe Ate, ang ganda! Picturan mo naman ako! Nakakafresh dito." My sister said noong nakababa na kami ng kotse.
"Uh, okay." Tumawa nalang ako at pinicturan siya. Kayla is so pretty, totoong magkamukha kami.
She has thick brows, mapilantik na lashes because we're both using castor oil lol, thin lips and matangos na nose. Her eyes are hazel brown something. All features are from my mom, lahat din ng features niya ay same sa akin. Bukod sa lips, mine are thick. Kylie Jenner is shaking, Chos.
Ang tanging nakuha lang namin kay Papa ay height, Kayla is 5'4 at her 13 and me 5'8 at my 17. Dave is 5'9 at his 19 tho. Kaya hindi mukhang mas matanda siya sakin lalo na't baby face siya. Baby ko rin. Char.
Dave's face is like an angel from above. Sobrang amo ng mukha niya, pero sa tv pag may mga baddie roles siya nagiiba siya bigla parang si Hulk ganon. But pag normal lang siya sobrang angelic ng face niya. His brows are thick, his lashes are not, 'yung ilong niya sobrang tangos yung parang sa mga may lahi ganon, then my favorite, his lips are sobrang thick color pink pa! Mayroon din pearcing ang labi niya.Oh, I forgot meron din siyang small mole under his eyes. He is mestizo, kahit moreno ang type ko, wapakels. Si Dave 'to e.
Now, he's wearing a simple white shirt and a blue sweat short. Hindi rin mawawala sakanya ang black cup and shades. Siguro para walang makapansin sakanya? Ang mga die hard fans lang ang makaka-kilala sakanya kahit puro takip na ang mukha niya. Isa na ko doon.
Pinitik ako sa noo ni Kayla, doon ko lang namalayan na nakatitig pala ako kay Dave na ngayon ay nakasandal sa kotse.
"Aray! Ang sarap idelete ng mga picture mo sa phone ko ngayon Chrem." Pangaasar ko naman gamit ang 2nd name niya. Ang ganda kaya ng Chrem! Buti nga hindi Chreme e, edi sana inaasar ko siya ngayon biglang Krispy Creme.
"Eh kase naman matutunaw na si Kuya Dave sa pagtitig mo." Tumawa naman si Dave.
"Ano nga bang meron sakin Charmira? Titig na titig e." Gatong naman niya.

YOU ARE READING
The Man of my Dreams
Romance"Your mistake did not lessen my love for you." Charmira, a senior high student that will do everything just to make their life comforable. She is also a fan of Dave, a teen actor with a luxurious life but choose to live simple. Unexpectedly, they m...