"Ate.." Kayla whispered. Tulog pa kasi ako, ginigising lang niya ako sa pagtapik sa braso ko.
"Hmm?" Ungot ko dahil medyo puyat pa ako.
"Baba na tayo ate, kasabay natin sila Mama magbreakfast." Sabi niya kaya napabalikwas ako ng higa. Bihira mag almusal sila Mama, kapag kasama namin siya ay sermon ang almusal.
"Sige baba ka na, hilamos lang ako." Today is January 3 kaya wala pa kaming pasok. Ang ginagawa ko lang ay magpahinga dahil ilang araw nalang balik eskwela nanaman.
After ko magbihis from my nighties bumaba na agad ako para magbreakfast. Alam kong may sasabihin 'tong sila Mama kaya medyo kabado ako eh.
Noong nasa hagdan na ako, Mama glanced at me but immediately looked away. Shocks. Pagkaupo, nagkatinginan kami ni Kayla dahil nasa tapat ko siya. Si Mama't Papa naman ay nasa magkabilang kabisera. Nakita ko siyang balot na balot ang ulo, nakacap kasi siya.
"Kumusta ang pagaaral ninyo?" Mama looked at us.
"Mabuti po.." Kayla said in a soft voice.
"Ikaw?" Mama glanced at me.
"Okay lang po Ma..."
"Talaga? Akala ko mapapawira ka na kakalandi mo e." Mama sarcastically said. "Siya nga pala, maaari ka na sigurong walang allowance..para naman makamenus na ako sa mga bayarin." My lips parted in shock. Tumingin lang ako sakanya ng hindi nagsasalita. May pinaglalaanan ako sa binibigay nilang allowance sa akin, malaking factor iyon kung mawawala.
"Mama.. busy po ako sa pagaaral ngayon hindi ko po kaya kumita ng pera."
"Edi gawan mo ng paraan. Sus, humingi ka ng tulong sa mga artista. Doon ka naman magaling." Mama sarcastically smiled.
I can't really get where my mother's anger coming from. Para siyang may hinanakit lahat ng bagay na mayroon ako at patuloy kong pinagdudusahan iyon.
"Mama, kung ayaw niyo po akong bigyan ng pera na responsibilidad niyong ibigay sa akin okay lang po. Pero 'yung isipin at ipamukha niyo pong pineperahan ko lang po ang boyfriend ko, diyan po kayo nagkakamali. Sobra sobra na ang pagtitiis ko rito Ma. Excuse me po nawalan na po ako ng gana." Huminga ako ng malalim bago tumayo sa table. It was exhausting staying there pero hindi pa pala tapos magsalita si Mama.
"Boyfriend huh.. Tignan natin kung hanggang saan ka dalhin ng pag-ibig mong 'yan." Tumulo na ang luha ko habang paakyat ako ng kwarto.
Agad akong nagtalukbong ng kumot at hiyaang tumulo ng tumulo ang luhok. Bakit.. Bakit ganito 'yung buhay ko? Napatanggal ako ng kumot noong may bumukas ng pinto. Si Papa.
"Anak.." He caressed me.
"Ito.. itabi mo." I'm shocked that he gave me 10,000 pesos. Hindi ko naman ito kaylangan. Baka mas kaylangan nila ito.

YOU ARE READING
The Man of my Dreams
Romantizm"Your mistake did not lessen my love for you." Charmira, a senior high student that will do everything just to make their life comforable. She is also a fan of Dave, a teen actor with a luxurious life but choose to live simple. Unexpectedly, they m...