11

23 5 16
                                    

Tapos na ang undas break kaya back to school na rin. Masasabi ko na ito ang unang beses na masaya ang bakasyon ko. Mostly kasi ay nasa bahay lang ako at kapag walang pasok rin sila Mama ay sermon lang ang matatanggap ko.












"Girl! Kumusta landi natin diyan?" Si Madie, nasa school kami ngayon at assual hindi kami nakikinig.











"Hindi ba't ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo?" Nadulas kasi si Dave sa'kin na may gusto si Gab kay Madie dahil inireto niya. Hindi lang sinasabi sa'kin ni Gab dahil natatakot kapag nasaktan niya ang bestfriend ko ay masapak ko siya. Totoo naman 'yun, wala pang kahit isang ex 'to si Madie dahil mapili siya at dapat lang. Napaka swerte kaya ng mamahalin ni Madie.










"Huh? 'Te girl single kaya ako." Umiwas siya ng tingin at halatang nagpipigil ng ngiti. Arte!










"Bobo ka." Umirap ako. Sa akin pa niya talaga dineny, eh, ultimo kasalanan niya noong 3 years old ay tandang tanda ko pa.











"Alam kong bobo ako, pero.. Bakit?" Naguguluhang sagot niya.










"Uh ehem G-gab?" I smirked. Nagblush naman si gaga.









"Wag mo ng itago dahil alam ko na demonyita ka." I slightly pulled her hair kaya tawang tawa siya habang kinikilig.










"Ligawan stage palang naman!" She explained.











"Sana hindi ka niya saktan." Iyon ang ikinakatakot ko, grabe kasi magmahal si Madie. All in kumbaga. Sa crush palang umiiyak na siya, sa jowa pa kaya?











Dumarami na ang mga projects namin dahil november na. Wala na rin akong tagas undo kaya sabay kami ni Madie umuuwi. Si Dave naman ay laging busy pero we still update each other, laging ganoon muna ang set up namin dahil naka lock-in taping siya. Okay lang naman sa akin iyon dahil mas focused ako sa pag aaral.











"Patambay!" Sigaw ni Madie bago siya pumasok sa bahay nila.










"Di ako naniniwalang tambay lang.. Alam kong makikikain ka rin." I laughed.











"Mamaya!" She shouted.











2pm ay pumunta na nga si Madie dito sa bahay at nagtulungan kami sa mga projects dahil mahirap hirap ang mga ito. Meanwhile, bumaba si Kayla at binuksan ang TV napanood rin ako ng si Dave na ang binabalita.









"Inanunsyo ng Agency ni Dave Garcia na opisyal na loveteam na sila ng aktres na si Kirsten Rimones.. Magbabalita, Abby Cruz." Napalingon ako sa TV noong narinig ko iyon. Biglang nagflash ang magkasama na si Dave at Kirsten sa isang interview.









"It is so great to see the both of you! Sobrang box office ng loveteam niyo nga 'yon, ano? And how do your fans call you together?" Tanong ni Abby sa dalawa.








"They call us DaveTen." Kirsten smiled and looked on Dave. They both chuckled. Lol.









"Ano kaya 'yon? Parang ben ten amputa. Sana ikaw nalang ang nag isip ng itatawag sakanila, Charm." Natawa naman kami ni Kayla kay Madie.










"This question is from the fans, since it's been a while na matunog ang pangalan ninyo sa industriya. Is there a chance that you guys will end up together?" Nasamid naman ako at mas lalo pang tinutukan ang interview. Teka ha. Kailangan ko atang huminga.










The Man of my DreamsWhere stories live. Discover now