"Fuck you Gabriel!" I gave him a punch, I visited his house and thank God ay naabutan ko siya.
"Yuna naman, that was three years ago!" Sabi niya habang pinupunasan ang dugo sa labi niya.
"So? Ngayon lang kita nakita, eh!" I shouted again. "At sa tingin mo ba sapat na ang isang suntok sa pinsalang ginawa mo sa amin ni Madie? Tangina mo Gabriel!"
"Sorry, I am sorry." Lumuhod siya.
"Tumayo ka na riyan." Taas noo kong sabi. "Bakit hindi niyo sinabi agad? Edi sana 3 years ago rin kita nasuntok diba?" Pamimilosopo ko.
"Hindi naman kasi planado lahat, hindi namin binalak magkapamilya-" Kalmado niyang sabi.
"Hindi planado? Tanga! Diba plinano niyo nga na aminin sa media na si Dave ang ama kahit hindi naman? Mga gago." Sinampal ko siya.
"Napatawad na ako ni Madie.. Kaya sana ikaw din, Charm. Sorry talaga." He apologized.
"It doesn't mean kakalimutan na namin 'yon, even though masaya na si Madie ngayon hindi 'yon exception para hindi kita sapakin ngayon. You.. gave her trauma. Kulang pa 'yan sa dinulot mo sakaniya." I massaged my head.
"That's why I'm sorry.." He said in a small voice. Tinalikuran ko na siya at bumalik na sa sasakyan. I saw Madie happily playing with my daughter.
"Talino naman ng anak mo. Ano bang pinapakain mo rito, utak?" She joked when she saw me.
"Edi ipaglihi mo rin 'yan sa utak." I pointed her baby bump. She's seven months pregnant. Ang galing ni Sean, e, inuna anak bago kasal. May naalala tuloy ako.
"Ay oo nga pala, gender reveal na bukas." Excited niyang sabi. Ako naman ang nakakaalam ng gender.
"Shopping tayo?" I asked her. "Libre ko." At syempre pumayag agad siya.
"Mommy, shopping?" Zie heard and asked.
"Yes anak. What do you want? Toys? Dolls?" I said while reversing my car.
"No Mommy, I want books." Tuwang tuwa ako kay Zoella dahil more on educational stuffs siya kahit hindi ko siya pinipilit. Matalinong bata talaga.
"Okay we will buy later when we get there baby." Tumingin ako sakaniya that's why she giggled. Madie and Zie are playing the whole ride, I think Madie is really excited to her own baby, sana ay babae rin para meron na kaming powerpuff girls.
"Te, gusto ko ng ice cream." Tinuro ni Madie ang DQ. Napakatakaw na juntis.
"Teh matamis 'yon, iwas ka sa sweet." Saway ko kaya lumungkot ang mukha niya.
"Hati nalang kami ni Zie." Napa buntong hininga nalang ako dahil ginamit pa niya ang anak ko bilang excuse. Napasapo ako sa noo ko at pumayag dahil narinig na ni Zie. I ordered one blizzard for them. Honestly, mas tuwang tuwa pa si Madie kaysa kay Zie dahil bumabaliktad ang ice cream.

YOU ARE READING
The Man of my Dreams
Storie d'amore"Your mistake did not lessen my love for you." Charmira, a senior high student that will do everything just to make their life comforable. She is also a fan of Dave, a teen actor with a luxurious life but choose to live simple. Unexpectedly, they m...