"Masterpiece, madam." Everyone commented. We're currently watching the edited version of the film. After two months, natapos na namin! Finally. Hindi ko na kailangan tiisin makita si Kirsten, joke. After kasi nito, Dave won't be associated with her anymore.
"What can you say?" I asked Dave.
"Ang galing noong bida." Ayon, nagbuhat lang siya ng sariling banko.
"Mas magaling 'yung nagdirect." I rolled my eyes.
"Ofcourse, love." Sabi niya at hinalikan ang gilid ng mukha ko.
"Ehem! May tao po rito, respeto po ano? Respeto." Pangeepal ni Madie.
"Para ka namang single!" Paninita ko.
"'Di ka sure." She laughed kaya tinaasan ko siya ng kilay at binatukan. Ano na naman ang trip niya?
"Everyone, thank you for your hardworks and everything you've done for this movie. Y'all made it the best. See you sa premiere mamaya!" Later night is the premiere, malamang ay puno ng media 'yon. Medyo kabado ulit kahit ilang media na ang nakakita sa amin ni Davey.
"Rekdi hindi pwedeng ganon, kailangan may libre! Tsaka double celebration, balita ko may ikakasal, eh!" Pangangantyaw ni Makai.
"Akala mo lang 'yon." Kinurot naman agad ako ni Dave. "Chos. Sige mamaya sa Xylo after the event. Kung makapagrequest ka Maks, akala mo naman ang haba ng screen time mo." Everyone cheered.
"Libre mo?" Si Madie.
"Hindi, libre mo." Pangaasar ko kaya sumama ang mukha niya. After, Dave and I parted ways since pumunta siya ng Laguna para sunduin si Tita at Ate Ces. Ako naman ay pumunta sa condo para magpa-ayos kay Andrea.
"Anong klase?" Since premiere lang naman, hindi naman ako ang bida.
"Simple but elegant, please." Sabi ko at ngumiti naman siya. Isa't kalahating oras akong inayusan ni Andrea at pagkatapos ay sinuot ko na ang silk bodycon dress na may short leeves and chanel heels. Nagbaon rin ako ng slippers para sa bar mamaya. Hindi ganoon kakapal ang make up ako, much better. I still want Kirsten to stand out, she somehow deserves it naman. She did well, honestly. Kahit nahirapan ako pakisamahan siya.
"Perfect! Daig ng direktor ang bida. I love it." Sabi ni Andrea kaya nagtawanan kami. I can say that we are really good friends na.
"You always never fail to amaze me with how you look, baby." Sabi niya at sumakay na ako sa car niya. Patay na patay nanaman sa 'kin.
"Hehe." I surprised him with a kiss kaya todo na naman ang ngiti niya. "By the way babe, we will guest on Tita Dan's show, okay? I don't take a no as an answer." Ngayon ko lang naalala, mabuti nalang at inemail ako ng show. Tita was requesting this for so long pero ang sarili niyang anak ang may ayaw. She wants us to answer the bigatin questions that has been throwed to us since our relationship was out already, gusto raw niya ay sa show niya mismo manggaling ang rebelasyon ng sarili niyang anak.
"Edi nope." Pangagago niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano ba, na-commercial na nga na tayo 'yung guest, eh!" I argued. He lazily rolled his eyes.

YOU ARE READING
The Man of my Dreams
Romance"Your mistake did not lessen my love for you." Charmira, a senior high student that will do everything just to make their life comforable. She is also a fan of Dave, a teen actor with a luxurious life but choose to live simple. Unexpectedly, they m...