32

27 4 12
                                    

"Damn it Gabriel, akala ko ba wala masyadong tao rito? Kapag ito nalaman ng manager ko ikaw ang ihaharap ko." Pagalit kong sabi kay Gabo dahil hinahabol kami ng mga tao. They're wild, seriously.









"Sorry na pre, tumakbo ka nalang." Ang bobo niya.








In the middle of my run, I bumped a girl. Napahinto ako sa paglalakad dahil sinigawan niya pa ako. Hindi ko naman sadya. Nagpapanic lang ako.










"Ano ba!" Hala, palaban si Ate. Wala naman akong magawa kundi ngitian siya kahit naka mask ako.









"Shit, sorry miss." Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa magkabilang braso niya at dirediretso ng tumakbo. Ewan ko ba, nawala ang init ng ulo ko.










"Damn, nagoyo ka ba? Ano 'yan love at first sight?" It was Gab's reaction dahil nakwento ko sakaniya 'yung babae kanina. She's pretty. Ang cute pa magalit.








"Paano ko mamahalin e ni pangalan hindi ko alam? Tanga." Kunot noo kong sabi at sinuklay ang buhok ko.








"Sus, malay mo fan mo pala. Edi easy lang ligawan." Iyon ang pinagkaiba namin ni Gabo. Siguro if he's in my position, halos lahat ng fans ay nadate niya na lalo 'yung magaganda. Kahit fan ko pa, paghihirapan ko parin. Status is just a status. Pareho lang ang value ng isang artista at ng isang supporter dahil pareho silang tao.










"Pre, I have half a million followers sa IG. Sa tingin mo madali 'yon?" I rolled my eyes. Hindi ako nagyayabang dahil totoo 'yon. Iba ang pagyayabang sa pagsasabi ng totoo.









Buti nalang at umalis na si Gab kaya nagkaroon na ulit ako ng peace of mind. I spent the night chilling because I have an event tomorrow sa Nuvali. Meet and Greet iyon, pretty convenient for me dahil malapit lang ako roon kaya medyo maaga ang call time.









"Pre kung ako sa'yo, huwag kang maging loyal sa isa-" Ayan nanaman ang demonyong bibig ni Gab. Sinasama ko kasi siya sa mga events ko dahil gusto niya. Panay babae kasi mga fans ko, nakakabingwit ata siya.










"Pre kung ako sa'yo, manahimik ka. Hindi ako natutuwa sa'yo." Nginitian ko siya bago lumabas ng tent para makita kung marami na bang tao. Dahil kung wala ay pwede pa akong bumili ng kape dahil inaantok ako.










Unfortunately, marami na pala. I have no chance to buy a coffee anymore kaya napagdesisyunan ko nalang tumambay sa labas para panoorin ang pila. May harang kaya hindi sila makakalapit, pang asar lang ako dito.








"Dave, we will start in less than 30 minutes. Did you already memorized-" Si Madam Leila, ang manager kong wala ng ginawa kundi tanungin ako kung namorize memorize ko na ba. Siyempre, paulit ulit lang naman mga kinakanta ko sa events e.








"What's going on there?" My brows furrowed when I realized it's the girl I saw in the Mall! Yes, it was her! Pinipilit kong hindi tumingin sakaniya pero wala akong magawa e kaya pinipilit ko nalang hindi mapangiti. Tadhana ba 'to? Pero bakit parang galit nanaman siya?









"Ubusan na ng seats, malamang 'yun 'yung mga bumili sa online. Mas inuuna kasi papasukin ang mga walk ins." Tumawa pa si Leila kahit wala namang nakakatawa. Unfair naman grabe.








"Papasukin mo." I slightly pushed Leila para mapilit ko siya. Hindi siya ganoon kastrict na handler, hindi nagkakalayo ang edad namin kaya close kami. But still, I'm scared of her. She's still have the power and she can control me. Robot niya ako e.








The Man of my DreamsWhere stories live. Discover now