04

29 7 5
                                    

Umuwi na agad ako sa bahay dahil walang kasama si Kayla. Pagbukas ko ng pinto nakita ko siyang kumakain ng lunch, nagluto rin ako ng pagkain niya bago pumasok.

















"Ate! Yieee isang linggo silang wala, this is gonna be the best week of my life." Sabay kaming tumawa ni Kayla at tumayo siya para mayakap ako.
















"Sorry Ate ah, napahamak ka pa kahapon dahil sakin. Alam mo naman, tinatakot ako ni Mama para magsumbong." Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

















"Shhh, okay lang sanay na ang ate. Gusto mo mag-grocery tayo ngayon?" Masigla kong sabi para kalimutan na niya iyon.

















"S-sige Ate wait la—" Bigla nalang nahimatay si Kayla sa harap ko. Pota, may trauma ako sa ganto kaya hindi ko alam ang gagawin ko!
















"Kayla! Kayla gising hoy!" Agad ko namang kinuha ang cellphone ko para tawagan si Madie, sa totoo lang malabo na ang paningin ko dahil sa luha kaya hindi ko sure kung si Madie nga ba ang natawagan ko dahil sa Instagram kami nagcocommunicate.



















"Hello, nahimatay si Kayla. Mads anong gagawin ko? Hindi ko alam ang gagawin ko andito kami sa bahay ngayon at kaming dalawa lang ang andito Madie." Sunod sunod na ang pagpapanic ko. Ngayon lang nagkaganito si Kayla at wala siyang sakit.

















"Okay send me your adress then pupuntahan kita." Bigla naman akong tumigil sa pagiyak dahil boses ni Dave ang narinig ko! Shocks bakit siya ang natawagan ko? Pero emergency 'to kaya binigay ko na agad ang address ko. Nakakahiya!

















Wala pang 30 minutes ay may nagdoorbell na agad, binaba ko muna ang ulo ni Kayla sa sofa at tumayo na ako para buksan ang pinto. Wala parin siyang malay.

















"Nakapagprepare ka na ba ng mga gamit? Dalhin na natin siya sa ospital." Nagulat ako kay Dave bakas sa mukha niya ang pagaalala.
















"Yes, umalis na tayo.." Nilagpasan lang niya ako at paglingon ko buhat na niya si Kayla. Ang bait niya grabe.

















Pagkasakay namin sa kotse niya sobrang tahimik hanggang sa makarating kami sa The Medical City. Private Hospital 'yon pero sa lagay ng kapatid ko ngayon ay wala na sa isip ko ang gastos.
















Pero noong pinasok na namin sa ER si KC, lalo na akong kinabahan dahil wala nga pala akong malaking perang dala o pampaopistal kay Kayla. Hindi ko rin macontact sila Mama dahil busy sila.
















"Dave.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil kung hindi ko maisugod sa ospital si Kayla baka mas lalong lumala ang lagay niya. Pero ngayon, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pang-gastos dito dahil wala sila Mama." Gusto ko ibuhos lahat ng nararamdaman ko pero tinutubuan ako ng hiya.














Hinakawan ni Dave ang balikat ko para aluin ako sa pagiyak.














"Shh, tahan na Charm. Ako na ang bahala sa Hospital bills ng kapatid mo okay?" He said while comforting me.

















The Man of my DreamsWhere stories live. Discover now