Kinabukasan ay linggo kaya napasarap ang tulog. Nagising lang dahil sa palo ng aking binti.
"Gumising ka Charmira Aryuna." Boses 'yun ni Mama kaya napabangon agad ako.
"Bakit po?" Mumulat mulat pa ako.
"Nagkasakit pala si KC huh? Hindi mo man lang sinabi sa'kin o kahit sa tatay mo?" Sabi na at darating rin kami sa point na 'to. Walang sikreto talaga ang hindi nabubunyag.
"Sinabi ko po kay Papa." I said in a small voice.
"Oo tapos sinabi niya sa'kin. Kanino ka naman nanghingi ng pera? Doon sa artista? Grabe naman pala ang kapal ng mukha mo e 'no?" Doon na pumatak ang luha ko. At saan naman niya nalaman 'yon?
"Binayaran ko na po." Huminga ako ng malalim.
"Bakit ka umutang? Mahirap ba tayo Charmira? Ano? Sumagot ka. Ang hilig mong magpaawa sa ibang tao." She tapped my arm.
"Emergency 'yon Mama. Anong gusto mong gawin ko? Pabayaan si Kayla?" Hindi ko na napigilan na sabihin iyon. Lagi silang pride over situation.
"Hah!" Pagsinghal ni Mama. "Wala ka na talagang respeto sakin 'no? Layuan mo ang lalaking 'yon kung ayaw mong palayasin kita sa pamamahay ko at kalimutang anak kita." Sabi niya at umalis na sa kwarto. Napahinga ulit ako ng malalim para bumalik sa huwisyo.
Sa ilang beses na sinabi niya sakin 'yon, ngayon lang ata ako nasaktan. Hindi ko alam pero alam kong hindi magagawa ni Mama na palayasin niya ako dahil kahit papaano, alam niyang anak niya ako. Pero hindi ko inaalis sa isip ko ang bagay na 'yon dahil hindi ko masasabi ang mga bagay bagay. Lagi kong kinakalimutan ang mga salita ni Mama para hindi ako maapektuhan masyado.
After 2 weeks, I finally recovered after that fight with my Mom. Hindi muna ako masyadong nakikipagkita kay Dave dahil I tried to focus more on my studies. I want to maintain my grades to prove that I can handle anything. Hindi ko talaga alam kung bakit ang ibang bagay sa buhay ko ay pinapakealaman pa ni mama, pag aaral lang naman ang gusto niya sa'kin.
Today is a very special day for us. Ngayon 'yung araw na sasagutin ko na si Dave. He proved things already. He's really patient, he let me do my things freely. Okay lang sakaniya kahit kaunting oras lang kami magusap basta nagawa ko 'yung gagawin ko. He always insert efforts, every week he's giving me flowers. Ramdam ko ang sincerity niya at sa tingin ko ay sapat na iyon para sagutin ko siya. He's really worth it. Always.
I just weared a white crop top shirt and plaid skirt partnered with my Converse.
Tagaytay ang pupuntahan namin pero sakit nga hindi ko nararamdaman lamig pa kaya? Jk.I'll do my very best to make myself happy because it's my month. I hope Dave knows my birthday. I won't tell him. Baka sabihin gusto ko ng surprise. Baka naman. Joke. Pero saan nga ba niya malalaman ng birthday ko? Sa IG siguro?
"My girl is so pretty." Dave said when I entered his car.
"Sus.." Tumawa ako kaya tumingin siya, he laughed too. Kinuha niya ang kamay ko para halikan ito.

YOU ARE READING
The Man of my Dreams
Romance"Your mistake did not lessen my love for you." Charmira, a senior high student that will do everything just to make their life comforable. She is also a fan of Dave, a teen actor with a luxurious life but choose to live simple. Unexpectedly, they m...