"Huy! Bakit andito ka? Tsaka bakit ang putla mo?" Tanong ko kay Makai. Wala pa naman siya sa eksena kaya hindi ko muna siya pinapapunta. Gatecrasher talaga.
"Wala tinext lang ako ni Madie na bantayan ka, baka raw kasi hindi ka kumain." Sabay ngiti ng hayop. May project din si Madie kaya I understand na wala siya rito but when she's needed she comes naman.
"Mas mukha ka ngang hindi nakain." I laughed. Ibang iba kasi ang awra niya ngayon.
"Tinatrangkaso kasi ako." My eyes widened at dali daling sinalat ang noo niya. Mainit nga siya.
"Umuwi ka nalang pre!" I started worrying.
"Ayoko. Mas bibinatin ako roon." Ngumisi naman siya. Siguro ay nag-away nanaman sila ni Ate Cesca kaya andito siya.
"Osiya sige. Doon ka nalang sa kwarto ko roon sa taas. If need mo ng anything, text mo lang ako." Tinuro ko sakaniya ang room sa taas. Buti naman at nakahanap kami agad ng maaarkilang bahay.
"Morning." Napalingon ako sa likod noong may magsalita. I saw Dave walking away from me, malamang siya 'yon. Hindi ko nalang pinansin at umalis nalang sa pwesto ko para kausapin ang writer.
"Okay start na let's go. Take 1, 4 3 2 1 action!" Ito yung scene na pinagalitan ako ni Mama dahil umattend ako ng fanmeet ni Dave. Pero yung mga lines dito ay iba roon dahil wala naman kwenta mga pinagsasabi sa' kin ni Mama noon. Every scene of the movie should be meaningful.
Ang scene na 'to ay kakagising lang ni Charm tapos pagbaba niya ay nandoon ang Nanay niya. Iniba ko ito dahil tandang tanda ko na pagkauwi ko palang ay binungangaan na ako ng Nanay ko noon kaso may lakad ako kagabi kaya ngayong umaga ko nalang shinoot 'to.
"Saan ka galing kagabi Ciara?" The mother said.
"Sa Nuvali lang po, ma." Kirsten looked down.
"Sino ang kasama mo? Ang lakwatsera mong kaibigan? Mabuti pa siguro ay sabihin ko ang nanay noon na ilayo ka sa anak niya, masyado kang gala!" Ay taray, ang bigat noon ha. Hindi naman talaga galit si Mama kay Madie gusto ko lang ipabongga talaga 'to. Nasa tabi ko si Dave dahil nanonood siya, his hands are on his pocket while intensively watching.
"Opo si Chriselle ang kasama ko.. Nagpahinga lang po ako dahil madami po kaming ginawa sa school mama. Napapagod din naman po ako. Bakit ayaw niyo po akong hayaan mamuhay ng katulad ng ibang kabataan? Hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko ma, diba?" Nagsimula ng umiyak si Kirsten, infairness ang galing niya huh? Ano kayang iniisip nito para mapaiyak siya? Na hindi siya papakasalan ni Dave? Haha hindi naman siguro.. hindi siya nagkakamali.
Hindi ako yung tipo ng direktor na nakaupo lang at nanonood sa shoot. Paikot ikot ako dahil ginaguide ko kung saan itututok ang camera para perfect. Dahil nga flexible and multi-tasking ako, lahat ng ginagawa ko ay award winning.

YOU ARE READING
The Man of my Dreams
Romance"Your mistake did not lessen my love for you." Charmira, a senior high student that will do everything just to make their life comforable. She is also a fan of Dave, a teen actor with a luxurious life but choose to live simple. Unexpectedly, they m...