Alas kwatro media ako natapos magimpake. Pinatulog ko na si Kayla dahil may pasok pa siya bukas. Tinext naman ako ni Makai na may nahanap na siyang apartment para sakin at siya na mismo ang maghahatid sa akin doon. Everything is still vivid to me, kahit pinaghandaan ko na 'to ay masakit pa rin pala.
Hindi kalayuan ang apartment na aking titirhan. Kabilang barangay lang actually, ang pinoproblema ko lang ay ang pambayad dito.
"Magkano ho ba ang monthly dito?" Tanong ko kay Aling Mierna ang may ari ng bahay.
"Tutal ay iisa ka lang naman, bigay ko na sa iyo ng 3,500." Masungit na sagot niya. Napasimangot tuloy ako at tumingkayad para bumulong kay Makai.
"Pre ang liit naman ng papaupahan niya, akala mo naman kung makapagsungit." Reklamo ko. Tumawa naman si Makai at inakbayan ako.
"Aling Mierna.. baka naman gawin mo nalang 3K? Malinis naman sa bahay itong kaibigan ko at maasahan rin. Promise!" Si Makai.
"Osiya sige! Pasalamat ka Hija malakas sakin 'yan si Makai.." Ngumiti ako pero pinawi ko rin. Antok na antok na ako.
Umalis na si Makai kaya mag-isa nalang ako sa apartment. Maliit lang ito kung tutuusin pero hindi studio type. May isang maliit na kwarto at may free na table at two chairs doon kaya medyo natuwa naman ako. Sa labas empty talaga. Ang kusina ay sink lang ang laman at ano nga ba ang aasahan ko, eh hindi naman condo ito. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng gamit. Hindi ko alam kung makukuha ko pa ang mga gamit sa bahay ni mama.
Hindi pa ako nakain ng almusal pero kailangan ko ng maligo para pumasok, nagsusuot na ako ng ID ng tumunog ang phone ko.
"Hello?" Sagot ko.
[Yuna, where are you? Nasa tapat ako ng bahay niyo pero walang tao dito. Si Kayla ata tulog.]
"Oh gosh, sorry.. I'll text you the adress nalang. Ingat love." Si Dave 'yon. I forgot to tell him about me moving out but I'm not planning to tell him naman. Ayokong magalala siya. I know he will do something about it, ayoko ng ganon.
30 minutes after, may kumatok na sa pinto. Si Dave na may dalang mcdo. He's wearing a White Shirt and Blue Jeans. Galing siya sa shooting huh?
"Why are you here?" He said.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo niyan?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"I mean, why are you staying here love?" He kissed the top of my head bago pumasok.
"Uh.. I decided kasi na lumipat na since senior high na rin ko. Pwede na kong maging independent." I smiled.
Hindi ko pwedeng sabihin sakaniya na napalayas ako dahil aalamin niya kung bakit.. I can't tell na dahil kay Kirsten dahil magagalit siya kay Kirsten pag nagkataon, maaaring ikasira ng trabaho nila. As long as I can manage everything, okay lang.

YOU ARE READING
The Man of my Dreams
Romance"Your mistake did not lessen my love for you." Charmira, a senior high student that will do everything just to make their life comforable. She is also a fan of Dave, a teen actor with a luxurious life but choose to live simple. Unexpectedly, they m...