TW : masakit bwhaha
"Happy Birthday Charmira!" Everyone greeted. Bukas pa naman talaga ang birthday ko pero sabi ko ay may surprise ako kay Dave bukas kaya ngayon nalang kami magcelebrate. Bisita ko sila Madie at iba naming mga kaibigan dito sa bahay. Small celebration lang, reward ko na rin sa sarili ko 'to.
"Thank you!" Bineso ko sila lahat at tinuon na ang pansin sa kapatid ko.
"Kumusta ka?" Tanong ko sa kapatid ko. Hindi siya madalas pumunta rito at nagkikita lang kami sa school paminsan-minsan. Magkaiba kasi ang schedule ng pasok namin kaya bihira kami magkita.
"Okay lang ate." May isang luhang tumulo sa kaniyang mata kaya napayakap siya sa 'kin agad. "Miss na miss na kita ate.." She whispered.
"Ako rin Kayla, malapit na. 'Wag kang mag-alala." Kaunting tiis. 'Yun nalang ang lagi kong iniisip. Gustong gusto ko na kunin ang kapatid ko dahil ramdam ko lagi ang lungkot niya tuwing magkikita kami.
"Hmp! Hindi mo suot yung necklace na bigay ko sayo." Humalukipkip si Madie noong lumapit ako sakaniya.
"Ano ba, suot ko kaya!" Nilabas ko ang necklace na nakapaloob sa bestida ko.
"Happy Birthday, mars! Love you." She kissed my cheeks.
"Thank you." I smiled sweetly. Hindi ko na mabilang kung ilang birthday ang nacelebrate ko na kasama si Madie. Maraming marami na.
"Hindi raw kayo okay ah?" Ito talagang bibig ng bestfriend ko walang preno. Gusto ko na nga munang kalimutan muna 'yon e.
"Oo.. Hmm.. Feeling ko nakita niya kami ni Makai, natutulog sa kwarto." Ngumiwi ako. Hindi niya ako masyadong kinakausap simula noon. Even if I reach out or explain my side, 'di niya man lang siniseen. Kinakabahan ako araw araw na mamaya, hindi na pala kami para sakaniya. Maybe I'm not informed that we broke up already. Ilang araw na rin ang nakalipas. Kahit ilang tawag, text, wala talaga. Mahal ko pa rin naman siya. Kahit galit ako, 'di magbabago 'yun.
"Oh? Sabi ko na nga kay Kuya layuan ka na, e!" Palahaw ni Madie.
"Shh.. Walang kasalanan si Makai rito." Tinakpan ko ang bibig niya. Marinig pa siya ni Makai, e, kasalanan ko naman 'yon. "Tinulungan lang ako ng kuya mo. Kasalanan ko 'yon lahat." I urged her.
"Tapos 'yung jowa mo pa? Imbis na ayusin gusto pa yatang tapusin? Sinasabi ko sayo Charm! Ikaw ang kawawa. Binigay mo na lahat. 'Di mo na mababawi." Ayun, nagsermon na siya.
"Okay lang.. Naiintindihan ko siya. Kung ako rin naman ay makita siyang kasama si Kirsten sa pagtulog ay inaway ko rin siya." Tumawa ako.
"Speaking of! Nako alam kong hindi ka na nagoonline pero sikat na sikat na ang loveteam nila. Lagi na kasi silang nagpopost ng mga picture unlike before lowkey lang. Marami tuloy silang endorsements ngayon. Dami rin rumors na sila na raw. Parang gusto ko rin makichismis kung sila na ba talaga. Joke." Sabay irap ni Madie.
"Hayaan mo na, trabaho lang 'yon." Sana. "Sanay na ako roon. Hinanda ko na rin ang sarili ko rito." Pero kilala ko si Dave, kapag galit siya sa isang tao ay gagamit siya ng panakip butas para hindi siya masaktan. 'Wag naman sana. Dahil kung nagkataon ay ako talaga ang dehado.

YOU ARE READING
The Man of my Dreams
Romance"Your mistake did not lessen my love for you." Charmira, a senior high student that will do everything just to make their life comforable. She is also a fan of Dave, a teen actor with a luxurious life but choose to live simple. Unexpectedly, they m...