Napakaswerte ko nga naman dahil wala pang teacher noong dumating ako kaya nagchikahan muna kami ni Madie.
"Hoy Charmira marami ka nang atraso sakin ha!" Oh right! Hindi nga pala ako nakapagkwento sakanya simula nung fanmeet.
"Sorry! My fault! Nahospital si Madie kahapon sobrang nabusy ako." Chika ko. Nagulat naman siya.
"Ano? Bakit hindi kayo humingi ng tulong samin ni Mama?" Now she's too worried dahil close din naman sila ni Kayla.
"'Yun na nga e! Maniwala ka sa hindi pero nawrong dial call ako na imbes ikaw ay si Dave ang natawagan ko. He helped us.." I sounded happy dahil lahat ng nangyari kahapon at kanina ay sobrang unexpected. Right?
"Ha bakit? May number ka ba niya?" As expected, sobrang curious nanaman niya.
"Tangek! Diba sa insta tayo naguusaap? Tatawagan sana kita kahapon kaso sobrang labo na ng mata ko kaya hindi ko na nakita kung sino ba ang cinontact ko. Siyempre ikaw naman lagi nasa unahan ng chatbox pero si Dave pala.. Ayun." I explained. Parang hindi siya naniniwala.
"Anak ng tipaklong Charmira! May friend ka ng artista.. Kaso baka hanggang friends lang. Ay ops." Agad naman niyang tinakpan ang bibig niya.
"It doesn't matter anymore girl. Atleast friend ko parin siya diba? Okay na sa'kin 'yon, 'yung nga lang e sobra sobra pa." Sabi ko at ngumiti.
"Kilala kita Charmira, 'wag ako." Kinurot niya ang tagiliran ko. Hindi na ko nakasagot sakanya dahil pumasok na ang teacher. Masyado akong pre-occupied dahil sa sinabi ni Madie na hanggang friends nalang kemerut. Actually I'm always like this, kapag crush ko ang isang tao baliw na baliw ako. Pero pag naging malapit na siya sakin nawawalan na ng thrill.
Madie and I went to the nearest fastfood para bumili ng makakain.
Kahit on-budget ako bumili parin ako ng pasalubong para kela Kayla syempre bibili rin ako ng Antibiotics niya pero babayaran naman ni Papa yon pagdating nila.Pagkatapos namin kumain, pumunta na kami sa sakayan ng Trici. Actually, etong terminal ay katapat lang ng school namin kaya sobrang lapit.
Nasa pila na ako ng tricycle ng makita ko ang kotse ni Dave sa tapat ng building namin. What the fuck? Paano niya nalaman ang school namin?
"A-Ah Madie may bibilhin pa pala ko sige mauna ka na umuwi ingat ka bye!" Dali dali na kong tumawid papunta sa kotse ni Dave at pag-kaopen ko ng shotgun seat nakita ko na si Kayla sa likod.
"Paano mo nalaman ang school namin?" My brows furrowed while looking at him. Natatakot kasi akong may makakitang paparazzi sakanya at akalain pang magjowa kami. Ayaw kong maissue siya. He's popular on my school.
"Girl relax, Kayla told me." He said while smirking.

YOU ARE READING
The Man of my Dreams
Romance"Your mistake did not lessen my love for you." Charmira, a senior high student that will do everything just to make their life comforable. She is also a fan of Dave, a teen actor with a luxurious life but choose to live simple. Unexpectedly, they m...