Chapter 4

344 7 0
                                    

Papasok na sa malaking gate ang sasakyan nina Sarah, si Kuya harold ang nag drive yung personal driver niya. Since nakapunta ako dito sa Cagayan ay wala na akong naging ibang kaibigan kundi si Sarah. Ganun din siya, wala siyang naging kaibigan noong 1st year college siya kasi nerd daw siya. Not until, I came and she became my bestfriend. Kami na palage magkasama and she change anyway. Nagpaganda na siya at nagsu-suot na ng magadandang damit, and there's a lot of guys that's trying to court her. But Kuya Brent is too strict for guys pati rin naman sina Tita but they are more open minded. Unlike Kuya Brent, but i understand him anyway that's Kuya Arnold do. Over-protective din ang pamilya na meron ako ngayon and I appreciate that.

"Arf! Arf!" A pomeranian run towards our direction. And I smiled to him, tosheba is really cute puppy.

"Hey baby! Did you miss Tita?" I talked to him while messing his hair.

"Arf!" At nagpa karga siya sakin, naaliw talaga ako sa asong 'to. He's so sweet and fluffy. I can buy a dog soon if I can earn from my own, hindi naman palage nagpapabili nalang ako. Ayokong abusohin ang kabaitan nila sakin, pinakain na nila ako binihisan at inaalagan. Ayokong kapag may gusto ako ay manghihingi ako, No! I'm not like that. Gusto ko sariling pera ko na ang gagamitin na pambili ko sa kung anong gusto kung bilhin.

"Manang! Dalhan niyo nalang po kami ng pagkain sa kwarto." Sabi ni Sarah habang paakyat kami sa taas papunta sa kwarto niya. Siguro magmo-movie marathon lang kami ngayon, netflix siguro.

Buhat-buhat ko parin ang aso habang nilalagay ko sa couch ko ang bag. Hindi naman masyadong mabigat ang bag ko at maliit lang naman yun.

"Nasan ba si Kuya Brent?" Tanong ko bigla sa kaibigan ko. Baka kasi umalis o may binili lang.

"Ewan ko, nandyan ata sa kwarto niya o busy sa mga libro niya." Her brother is still studying for law. Kuya brent graduated with a course of Engineering but he wants to study law kaya todo aral siya. Malapit narin kasi ang board exam nila, hindi naman mapagkakaila na may talinong taglay ang magkapatid.

Hindi ko pa pala natanong kay Sarah kung anong plano ng pamilya niya sa summer o kung saan sila pupunta. Maybe, I'll just asked her later. Hinahaplos ko paring ang balahibo ni Toshiba at hinahalik-halikan naman niya ang kamay ko at natutuwa ako dun. Isa rin sa dahilan ang aso nila kung bakit gusto kung bumibisita dito, naaliw ako. And hindi ko naaalala ang streesful studies ko, dogs can make me feel relaxed.

"Malapit na pala ang summer 'no?" I talked out of nowhere. Nagbibihis na si Sarah ng pambahay.

"Yeah, do you have any plans in summer?" Sabi ni Sarah sakin. I actually don't think of planning having a vacation. Just want to stay here and help Nanay to harvest some manggo? Or just stayed in the house and watch some movies or just doing stuff with phone? I don't know yet.

"I don't have any plans, maybe I'll just stay here and help to the plantation and harvest some manggos and durian, I think?" Umakto pa akong nag-iisip. Wala naman talaga akong magbakasyon sa kahit saan. Depende nalang yun kung may plano sila ate at si Kuya sila naman ang gagastos.

"Your summer will be boring, duh." Sabi niya habang sine set-up yung flat screen tv at pinunta sa netflix.

"For you yeah, but for me? I think no, I maybe enjoyed it." Nakangiting sabi ko naman, pwesto na ako sa higaan niya.

*Knock Knock*

"Come in!" Sigaw ni Sarah at bumukas naman ang pinto ng kwarto niya. Pumasok dun si Manang Lilia isa sa kasambahay at head ng kasambahay nila dito. Every place in this house was having a yaya who's assign to place to clean it. Ganiyan sila kayaman. At si Manang Lilia ang matagal na kasambahay nila dito kaya pinagkakatiwalaan narin. Byuda narin siya at may dalawang anak yung isa ay pinapaaral pa at ang isa naman ay graduated ng HRM and na assign ang anak niya na yun sa barko. Pero malaki naman ang sweldo kaya tiis-tiis muna daw sila.

Nakwento nga rin sakin ni Sarah na pinagpapahinga na nila si Manang Lilia pero matigas talaga ang ulo dahil baka daw magkakasakit lang siya kakahiga kaya mas mabuti ng kumikilos naman siya paminsan-minsan. Kaya hinahayaan nalang nila pero sinuswelduhan padi naman nila.

Nanonood lang kami ng Kissing Booth sa netflix habang kumakain kami ng popcorn at may mga iba pang hinanda si manang para sa amin. Habang nanonood kami ay biglang may kumatok ulit kaya nagkatinginan kami ni Sarah at biglang natawa. Ewan ko ba nababaliw na ata kami dito sa kwarto niya.

"Sino yan?" Sigaw ni Sarah.

"It's me!" Si Kuya Brent lang pala akala namin kung sino. Wala namang nakakapasok na kahit sino sa bahay nila dahil mahigpit na ang siguridad. Nangyari na kasi sa kanila noon yun na nanakawan sila ng ipad at 10thousand pesos kaya simula nun mahigpit na talaga ang siguridad. Hindi ka makakapasok kung hindi mo kasama ang isa sa may-ari ng bahay.

"What do you want?" Mataray na sabi ng kaibigan ko. Palihim naman akong natawa, ganyan lang talaga kasi siya. Kahit anong taray niya sa kuya niya ay alam kung mabuti parin naman siya. Ginaganyan niya lang ang kuya niya para inisin, ayaw kasi neto na nagtataray siya.

"Don't give me that approach young woman," matikas na sabi ng Kuya niya. Umirap naman ang kaibigan ko hindi ko nalang din sila pinansin at nanonood nalang ako sa pinanood namin.

Kahit kailan ay hindi ko naranasan sa pamilya ko ang manood ng ganito, alam mo yung chill lang? Yung tamang nood lang sa TV habang nagtatawanan. Hindi ko naranasan sa pamilya ko ngayon yan, kasi nung dumating ako ay naka graduate na yung dalawang anak ni Nanay kaya hindi narin kami nakakabonding ng ganun. Palage na silang busy sa trabaho nila, minsan nalang bumibisita dito sa cagayan. From manila to cagayan dinala ako dito nina Nanay nung pwede na akong bumyahe.

Nagbabakasyon lang sila sa Manila ng bigla nalang nadaanan ang kotse ko na nakabangga sa isang kahoy. At dinala nila ako sa hospital. Pumayag nalang din akong magpadala dito dahil wala akong maalala at wala akong mapupuntahan sa kalagayan ko. Sila lang ang nandun ng kailangang-kailangan ko ng taong makasama ko. I'm lost that time, I don't know what to do, I don't know what exactly happened to me. Konti palang ang mga alaala na naalala ko. I can't just force myself from remembering something or someone from my past. I will let myself remember without forcing myself.

"Tulala kana naman? May problema ka ba?" And this girl beside me is the only person aside from my family right now is the only person I trust and talked about my problem.

And I'm too lucky...

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now