Chapter 14

271 5 0
                                    


Maaga akong nagising kinaumagahan at tiningnan ko kung anong oras na ay 5:00 palang ng umaga. And 8:30 ang simula ng klase namin. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa mga iniisip ko kagabi. At nagte-text rin kami ni George na umabot na ng 2am, dapat late nga sana akong magigising dahil matagal akong nakatulog pero hindi nangyari yun.

Susunduin ako ni george dito mamaya, and i feel a little bit excited? I don't know. Nakakapanibago ng pakiramdam, I officially admit to myself that I like george. But love? Not yet, I want to figure out myself for that state. Total nililigawan niya pa lang naman ako, and I have still a lot of time to realize if i really love him. Don't make things fast to happen because you might regret in the end. One step at a time, and maybe you'll just realize that you fall for that person.

Bumangon nalang ako at naligo na, gusto ko pa matulog ulit pero ayaw makisama ng katawan ko kaya naligo nalang ako. After I take a bath ay nagbihis na muna ako ng pambahay at baka madumihan ang uniform ko. Medyo malayo pa naman ang oras, I still have a 2hours to stay chill. 7:00 o'clock kami kakain ng breakfast namin.

Pagkatapos kung magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba, nakita ko na naman na nag-aayos na si Tatay. Saan na naman kaya pupunta 'to?

"Saan ka pupunta Tay?" Takang tanong ko sa kaniya. Mukhang nagulat pa siya sa pagsasalita ko. Mukhang hindi niya inaasahan na maaga akong nagising. Hindi naman talaga ako usually maaga nagigising, ngayon lang talaga.

"Babalik ulit ako sa plantation dahil may ide-deliver na naman at magha-harvest ulit." Sabi ni Tatay at pumunta siyang kusina. Mauuna ata siyang kumain dahil nga pupunta siya ng plantation ngayon.

"Bakit hindi nalang kayo magpahinga tay? Total gagana naman yun kahit wala kayo mag-asikaso dun." Pangaral ko sa kaniya. Kaya nga may business sila para hindi na sila masyadong mahirapan mag-manage. May mga nagma-manage naman sa plantation pero ang tigas lang talaga ng ulo ni Tatay.

"Iba parin naman kapag ako talaga ang magmanage dun, kaya nga lumalago ang business dahil narin sa atin. Hindi naman masyadong lalago kapag hindi talaga tayo yung magma-manage." Paliwanag niya habang kumakain. Tapos na magluto si Nanay, bago pa nag 6:00 o'clock kaya mamaya na ako kakain at baka bigla akong magutom.

"Baka magalit sina Ate at Kuya kapag nalaman nilang bumabalik kapa sa plantation," patuloy ko sa pag dada.

"Alam na ng mga kapatid mo yun anak, wag ka ng mag-alala sa akin. Hindi pa naman ako mahina, kaya pa nga akong magdrive eh. Wag kana mag-alala okay?" Sabi niya. I sighed defeated. Nanonood nalang rin muna ako ng netflix habang naghihintay ng oras. Maya-maya ay sabay kami kakain ni Nanay, pumunta pa siya sa backyard para magtanim ulit ng mga tanim niya.

My phone ring.

George Calling...

"Goodmorning!" He greeted.

"G-Goodmorning!" I still can't believe that he calls me early in the morning. Hindi lang ako sanay na may tumatawag na sakin except kay Sarah.

"Are you ready?" Tanong niya sa akin.

"Hindi pa ako kumakain, ikaw ba?" Tanong ko sa kaniya habang nanonood parin ng netflix.

"I'm on my way," nagulat ako sa sinabi niya kaya napatayo ako bigla.

"A-Ano?!" Gulat na sabi ko. He smirked.

"Yeah, don't worry I can wait." Sabi niya pa habang naririnig ko na ang busina ng kotse niya.

"O-Oh s-sige, Take care!" Sabi ko at tumayo na. Kaagad na akong umakyat sa taas at nagmadaling nagbihis. Baka dumating na si george dito. Binlower ko nalang ang buhok ko dahil medyo basa pa. Pagkatapos nun ay nagmadali na akong lumabas muntik pa akong matapilok ng makita ko na si george sa sala kausap si Nanay. Pagbaba kasi ng hagdan galing sa taas ay makita mo na kaagad ang sala.

Nakita naman niya akong pababa kaya ngumiti siya ng bumaling sa 'kin.

"Oh, nandito na pala siya. Halina kayo't kakain tayo ng umagahan." Aya ni Nanay samin.

"Ah, wag na po tita. Kakakain ko lang sa bahay, I'll just wait here nalang po." Sabi niya sabay ngiti. Nakita ko na naman ang ngiti. Napangiti nalang din ako, mahahawa ka kasi talaga sa ngiti niya eh. Sa ilang araw naming pagsasama ay may isang bagay akong natuklasan sa kaniya.

If he smile without showing his dimple is his not okay, but if he smiles with his handsome dimples showing is his happy. Isa yan sa napansin ko sa kaniya, kaya siguro naaakit ang mga babae sa kaniya because of his smile. I think that's one of his best asset I could tell.

Pagkatapos kung kumain ay nagtoothbrush na ako sa sink. Sa naalala ko ay hindi ako nagto-toothbrush sa sink namin sa baba. But I do it here. And ganun palage ang ginawa ko sa loob ng limang buwan. Umakyat ulit ako sa kwarto at naglagay lang ng liptint at cheektint as usual. Pagkatapos ay bumaba na ako at nakangiting tumingin kay george.

"Let's go?" I said. And he just smile and nod.

"You look stunning as always," A compliment from him. And I feel like all my blood run into my face that made me blush. Buti nalang di niya nakita. Nagpaalam na muna kami kay Nanay.

"Nay! Alis na po kami," sabi ko. Nasa kusina siya naghuhugas ng pinagkainan namin.

"Oh sige, mag-iingat kayo." Sabi niya.

"We'll go ahead po, Tita. Salamat sa pagpapatuloy," paalam ni george kay Nanay.

"Walang anuman hijo," sabi niya at umalis na kami ng bahay. Pagsakay namin sa kotse ay kaagad kung sinout ang seatbelt. Tahimik lang kami sa byahe papuntang skwelahan pero biglang nagsalita si George.

"How's your sleep?" Tanong niya sakin. Nilingon ko naman siya bago sumagot.

"It's fine, 3hours lang ata yung tulog ko. I don't know why," sabi ko sa kaniya at binaling nalang ulit sa bintana ang paningin.

"Maybe, you're thinking too much of me." Asar niya sakin na inirapan ko.

"Kapal mo ah!" Pabiro kung sabi. "Anyway, you? How's your sleep?" Ako naman ang nagtanong na kinalawak ng ngiti niya.

"It's fine too, yun nga lang hindi rin ako masyadong nakatulog dahil sa kakaisip sa 'yo." And then he winked. Natawa naman kaming pareho.

"Bolero," natatawang sabi ko.

Tahimik nalang ulit kami buong byahe papuntang school. Parang andami ko atang first time na nagawa na siya ang kasama since I lost my memory. I know this is not the first, na may kasama akong lalaki at naghahatid sakin sa school. Pero since I lost my memory parang first time ko ulit siya nagawa.

Pagpasok palang namin sa school ay andami ng napapalingon na mga studyante. May iba pang umiirap dahil sabay kami ni George pumasok. George is famous and also a basketball player, kaya marami talaga ang may gusto sa kaniya o fan girls niya.

Nabigla ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Kaya ang resulta ay magkahawak-kamay kaming naglakad sa daan. At narinig ko ang pagsinghap ng mga studyante na nakatingin sa 'min. Bigla din akong kinabahan baka bigla nalang nila akong sugurin dito. But I know george won't let that to happen naman siguro.

I'm sure hindi rin naman siguro gagawin ng mga studyante yun dito. Pwera nalang kay Antonette na crush na crush si George. Maybe, I'll try to get used to it huh?

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now