Chapter 40

235 11 0
                                    


Nandito na kami sa sasakyan niya, bigla kasing umulan kaya napatakbo kami sa lakas. Pero basa parin kaming pumasok sa kotse niya. Nilahad niya sa akin ang puting towel at kaagad kung pinunas sa akin yun. At nagtataka ako ng pina andar na ni Adrian ang sasakyan niya. Mas basa siya kaysa sa akin dahil sinilong niya ako sa coat niya. At malamig ang aircon!

"You don't have any towel?" Tanong ko sa kaniya.

"I don't. That's the only towel I left here in my car..." Sabi niya at nagsimula ng magmaneho.

"Stop the car." Nagtataka niya akong tinignan. Nang makita niya ang seryoso kung mukha ay tinigil niya sa gilid ang sasakyan. Pinunas ko sa kaniya ang towel na binigay niya sa akin. Dinampi dampi ko yun sa mukha niya hanggang sa buhok niya at sa basa niyang polo.

"You should bring some towels in your car." Sabi ko sa kaniya habang pinupunasan siya. He's like a baby! A small smile flashed on his face kaya napairap ako.

"Why? I'm the only one riding my car, one towel is enough. But if you say so baby, I will." And then he smiled again. Damn that smile of yours Vergara! Kaya mas lalo akong nahuhulog sayo eh. Tangina naman. Wala na hulog na naman ang bruha.

"Ihahatid ba kita sainyo? Or you should stay in my condo? It's getting late and it's dangerous driving back to your home..." Sabi niya habang seryosong nakatingin sa daan. Nasa bintana niya ang isang kamay habang nasa steering wheel ang isa. Ang nasa bintana niyang kamay ay nakahawak sa labi niyang mapula at kinagat-kagat pa. Lintek.

Parang gusto ko biglang halikan ang mga labi niya. How would it taste like? I didn't kiss him even once, and my lips is still virgin! I don't know if I know how to kiss? Godammit! Kailan pa ako nag-iisip ng ganito sa kaniya? Kahit kailan ay hindi ko naisip sa kaniya to kahit noon! Kasalanan to ni Bella eh.

And speaking of those two wala na akong balita sa dalawa kung kaibigan. Kamusta na kaya sila? Naging busy narin kasi ako sa trabaho, masyadong naging hectic ang schedule ko nitong nakaraang araw. Minamadali na namin ang pagbubukas ng resort na ginawa namin at baka hindi kami umabot sa deadline na yun.

Huminto kami sa Garden Court Residences ito yata ang condo na tinutuloyan niya ngayon. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan pababa. Binigay niya sa valet ang susi ng sasakyan niya tsaka niya ako hinapit sa beywang at naglakad na kami papasok. Dala-dala niya sa balikat niya ang chanel bag ko kaya natawa ako sa itsura niya. I didn't know that he could still look attractive with those bag.

Napapatingin na ang ibang nakatira dito sa kaniya pero hindi niya yun pinapansin. He just remained his serious face kaya hindi ko mapigilang humalaklak sa loob ng elevator buti nalang kami lang dalawa dito.

"Stop laughing or I'll kiss you." Banta niya sa akin. Sus, kala mo naman talaga totohanin kaya tumawa ulit ako ng biglang may labi ang dumampi sa labi ko. I stiffened as I feel his lips crossed towards mine. Napapikit ako sa sarap ng halik na yun. Naka awang ang labi ko kaya kinuha niya ang opportunity na yun para ipasok ang dila niya.

"Adi..." Imbes na saway ay parang ungol ang lumabas sa bibig ko. Shit ka talaga Sydney! I didn't know that this could be good. His lips pressed towards mine can be good. Ang sarap ng labi niya! Kaya bago pa bumukas ang elevator ay humiwalay na siya sa halik na yun at pareho kaming kapos sa hininga. Parang gusto ko pa!

Tumigil ka nga Sydney!

Saway ng utak ko sa sinabi ko, I see his smirk face at parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko kaya parang pulang-pula ako ngayon. We just kissed for god sake!

It's my first kiss damn it, pero imbes mainis ay bakit tila natuwa pa ako sa halik na yun? Baliw kana talaga Sydney!

Nang nasa floor na kami ng unit niya ay nauna siyang lumabas sakin bago hinawakan ang kamay ko at nakasunod lang ako sa kaniya sa likod. I looked at our holding hands, it's just feel so surreal. Hindi ko alam kung ano kami ni Adi basta ang alam ko ay masaya ako.

Masaya ako na kasama siya parang gusto ko nalang pabagalin ang oras para mas matagal pa kaming magsama. Binuksan niya ang sa may pinaka dulo na pinto kaya alam ko na agad na sa kaniya ang condo na 'to.

Hindi parin mawala sa isipan ko ang halik na yun kaya kapag naiisip ko yun ay para akong nagba-blush! Tanginang Adrian naman kasi 'to eh, akala ko hindi niya totohanin. Confident pa din naman ako sa sarili ko na hindi niya totohanin ang sinabi niya.

Pagkapasok namin ay malalaman mo kaagad na lalaking ang nagmamay-ari dahil sa tema ng loob ng condo. It was plain black and white at naamoy ko kaagad ang pabango ni Adrian. Nilapag niya sa couch ang bag ko bago siya humarap sa akin.

"I'll take a shower in the bathroom near the kitchen. You can take a shower in my room's bathroom, after that I'll cook food for us. Let's do movie marathon," nakangiting sabi niya kaya na excite naman agad ako. First time kung mag movie-marathon kasama siya at first time niya din akong ipagluluto. Kaya para akong batang tumango sa kaniya habang nakangiti.

"Alright, take a shower then." Sabi niya at hinalikan muna ako sa labi bago umalis at naligo.

Para naman akong naestatwa sa ginawa niya, eh kasi naman eh.  Ba't ba ang hilig niyang magpakilig? At bakit ba bigla nalang siyang nanghahalik? Para na tuloy akong kamatis dahil sa pagba-blush ko. Nakakainis naman eh!

Pumasok na ako sa kwarto niya at nagulat ako sa sobrang lawak nun. May veranda pa siya tapos king size na bed. At may computer set pa siya tapos malaking TV! Gray ang kulay ng ibang parte ng kwarto niya tapos puti ulit. Pumunta na ako sa banyo niya para maligo at baka magkasakit pa ako dahil naulanan kami.

After 35minutes ay natapos na ako at naghanap ako ng damit sa walk-in closet ni Adrian. Habang naghahanap ako ay may nakita akong picture ko tapos may nakalagay na 'my love' napangiti ako sa nakalagay. Bata pa ako sa picture na yun kaya natatawa nalang akong binalik yun sa kung saan nakalagay kanina. Nagsuot lang ako ng boxer niya at isang oversized shirt na kulay itim na may naka printed na 'only you'. Ewan ko kung ba't ito ang kinuha ko basta ko nalang kinuha to sa closet niya. Wala din pala akong suot na bra! Nalintekan na talaga. Pero good thing hindi naman siya bumakat bigla tuloy akong kinabahan.

Paglabas ko sa kwarto ko ay may naamoy na kaagad akong mabango sa kusina kaya dun ako dumiritso. Bumungad sa akin ang nakatalikod na Adrian, he's wearing an apron tapos yung puting towel lang ang nakatapis sa pang ibaba niya.

Lord help!

Magiging makasalanan pa ata ako dito ah? Hindi siya nagluluto. He's baking my favorite chocolate moist! Tinignan ko muna kung paano gumalaw ang katawan niya. He looks sexy when his baking with his apron on.

I swallow hard because of the view I see right now. Damn this man and his sexy back. How can he still looked attractive kahit nakatalikod lang siya? Andaya naman! Naramdaman niya siguro ako sa likod kaya napalingon siya sa akin.

Oh my god, his v-line!

Damn man, why do you look so perfect? He smiled at me and continue of what he do. Nakatingin lang ako sa kaniya at umupo sa stool na nasa kusina. I watched his every move, I watched his perfect body. Wala ka atang mapintas sa lalaking 'to eh! Andaya naman ng mundo. Nung umulan siguro ng swerte nasalo niya lahat yun.

Nilagay na niya sa micro wave ang binake niya at nagset siya ng time para kunin. Humarap naman siya sa akin with his sexy smirk. Tinanggal niya ang apron niya at sinabit yun sa gilid.

"I don't have stocks of food, that's the only thing that's left. It's your favoriter right?" Sabi niya sa akin at kaagad naman akong tumango.

"Can you join me in grocery tommorrow then?" Sabi niya sa akin at lumalapit na. Kaya napasinghap ako ng yakapin niya ako galing sa likod. I can feel his chest in my back, nilagay niya ang ulo niya sa leeg ko at inamoy yun. At nagulat ako ng pinatakan niya yun ng halik bago siya kumalas sa yakap niya.

"I'll just change then we'll start the movie marathon, okay?" Tumango naman ako sa kaniya.

Damn it Adrian, how can you be this sexy?

• • •

5 Chapters to go and we'll say goodbye to Sydney & Adrian... I hope you'll like this another story of mine! Please leave a vote and a comment. :)

GODBLESS AND STAY SAFE!!

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now